
Nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue sa mga kandidato ngayong darating na eleksyon na siguraduhing hindi papalya sa pagbabayad ng tamang buwis.
Panawagan ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui, Jr., ngayong kakasimula lang ng campaign period, kailangan magpakita ng resibo ang mga kandidato para sa kanilang ginagamit na donasyon, campaign materials, at lahat ng gastusin sa kanilang kampanya.
Dagdag pa nito, kailangan na maglagay ng withhold tax sa kanilang mga kapartner na supplier para sa kanilang mga campaign posters at advertisement.
Maging ang tax compliance ng mga media influencer na mageendorso ngayong halalan ay kanilang tututukan.