
Isang magnitude 4 na lindol ang naitala sa Ilocos Norte, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Martes.
Naganap ang lindol alas-10:15 ng gabi na may lalim na walong kilometro at lokasyong 18.02°N, 120.77°E - 009 km S 04°W ng Solsona.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig o dahil sa biglaang paggalaw sa mga fault at plate boundaries.
Ang intensity II ay naitala sa bayan ng Bacarra at Pasuquin habang ang instrumental intensities II at I ay nabanggit sa bayan ng Pasuquin.
Walang napinsala dahil sa lindol ayon sa PHIVOLCS.