SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Pagtaas ng teenage pregnancy, nais pigilan ng DSWD

Pagtaas ng teenage pregnancy, nais pigilan ng DSWD
Published on: 

Pinupursige ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na palakasin ang pagsasagawa ng mga psychological intervention nito upang masolusyunan ang tumataas na bilang ng teenage pregnancy sa bansa.

Magsasagawa ang ahensya ng programang tatawaging ProtecTEEN, na may pangunahing layunin na mapigilan ang pagdami ng mga kabataang babaeng maagang nabubuntis.

Noong nakaraang taon, batay sa datos mula sa Commission on Population and Development (CPD), umabot sa 142,276 ang bilang ng mga adolescent mother na naitalang nanganak.

Sinimulan na rin ang pagsubok ng programa sa ilang lugar, kabilang ang Antipolo City sa Rizal at Malaybalay, Bukidnon.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph