
Isang insidente ang gumimbal sa mga guro at estudyante matapos ang isang barilan na naganap sa loob mismo ng isang paaralan kung saan nasa 10 katao ang nasawi sa Obrero, Sweden ngayong Martes.
Ang balitang ito ay labis na ikinalungkot ni Swedish King Carl XVI Gustaf.
Sinabi ng pulisya na hindi nila kilala ang salarin bago ang pamamaril at hindi ito konektado sa anumang mga gang. Hindi rin umano sila naniniwala na may kaugnayan sa terorismo ang motibo.
Hindi pa tukoy kung anong uri ng armas ang ginamit ng gunman.
Pinaniniwalaan din ng otoridad na isa lamang ang suspek sa insidente at posibleng kabilang ito sa mga nasawi kaya inaalam pa ang pagkakakilanlan sa mga ito.
Itinuturing naman ni Prime Minister Ulf Kristersson na ito na ang pinakamadugong pamamaril sa loob ng paaralan ng kanilang bansa.