
Dahil sa pagkakaroon ng mga bitak at kalawang sa kanilang mga medalya, nasa 100 Olympians umano ang nagsauli ng kanilang mga napanalunang medalya mula sa Paris Olympics.
Ayon sa naging ulat ng AP News, hindi na naidetalye ang mismong bilang ng mga atletang nagbalik ng kani-kanilang mga medalya ngunit ayon sa la Lettre na isang French website umabot daw ito ng 100.
Ang kumpanyang gumawa ng mga nasabing medalya para sa 2024 Paris Olympics ay ang Monnaie de Paris na kanilang nagawa ay tinatayang umabot sa 5,084 ngunit determinado naman sila na mapalitan ang mga medalyang kinalawang ngayon first quarter ng taon.
Ilang mga atleta na rin ang nagpahayag ng kanilang mga pagkadismaya sa kani-kanilang mga social media accounts sina American skateboarder Nyjah Huston, French swimmers Yohann Ndoye-Brouard at Clement Secchi.