
Nakitang magkasama sina Maris Racal at Anthony Jennings sa FanCon ng “Incognito.”
Wala namang anything untoward na nangyari sa kanila. Hindi sila nakatikim ng pambabastos. Marami naman ang naghiyawan sa kanila kaya masasabing tanggap na tanggap sila ng audience.
Mukhang napatawad na ng fans si Maris. Walang nam-bully sa kanya o nambastos.
Sa mga comments, ipinagtanggol pa nga si Maris.
“Let them be,2025 na hayaan nalang na magsimula Sila kung ayaw sa kanila e d ok,new year new life wag natin pigilan na magbago Sila dahil lang sa nagkamali Sila,ugaliin natin magpatawad pare pareho lang tayong mga tao bahala na si Lord satin.
“Wala Ako kinakampihan baka may Magsabi nanaman na kinukunsinte Ang Mali,inuulit ko di ko Sila kinakampihan,sadyang pinalaki lang Ako Ng mga magulang ko na malawak Ang pang unawa at marunong magpatawad.Basta para saakin lang naman kahit pa paulit ulit ibato sa kanila na nagkamali Sila Wala na mababago Kasi nga nagkamali na,pero try nyo I accept na nagkamali Sila,nagsisi na at gusto Ng magbago for sure forgiveness from the society will make a big difference Hindi lang sa kanila kundi para narin sa lahat Ng taong nagkakamali at umaasa na mabigyan pa Ng 2nd shot sa buhay. Kindness is Free. Forgiveness is the Key,” say ng isang fan.
***
David Licauco nilait
Lait ang inabot ng Kapuso actor na si David Licauco nang masulat na ang next project niya na nasa planning stage ay isang action series na ang pamagat daw ay Hari ng Tondo.
Tawang-tawa ang netizens dahil hindi raw bagay na magbida si David sa action series. Hindi raw swak ang personality niya sa mga ganyang project.
Sa comment section ng isang Facebook entertainment site ay lait ang inabot ni David.
“hindi talga ako nagagalingan dto. lalo di pwede pang action ang lamya ng image nya kay magmumukhang pilit. sa mini series nga nila noon lumabas trying hard maging robin padilla ang dating. ilagay nyo nlng sa romcom ang team up nila ni barbie. serious type role lang pede sa kanya na may leading lady na kwela ganun.”
“Grabe hindi ako magkukumpara pero wagnaman ipilit. Hari ng Tondo? Mga action star natin kung hindi payat, bata at maliit. American drama series my god Tulsa King ni Stallone ganun dapat pinipiling action star yung matatakot ka. Hindi nagpapa cute na action star. Iba ang mga American drama Series Dito pang movie tulad ng Breaking Bad ni Bryan Cranston, Tulsa King ni Stallone, 1823 ni Sam Elliot and Tim McGraw, 1923 ni Harrison Ford and Brandon Sklenar, Yellowstone ni Kevin Costner the best drama series here in America pero nasa Netflix ang breaking bad. Watch nyo po.”
“Sabi ng fans ng kamuning na kayA daw pinapanood Ang batang quipo dahil Kay fpj,,bkit daw Hindi gagawa ng original na teleserye c coco martin para daw Malaman Kong tañgkilikin prin cya,,Ngayon Ang Tanong? Pilit ginGaya ng gma Ang teleserye ng abs? Mayroon n clang batang riles at hari ng tondo,? Dapat gawa cla ng original n concept,,dapat walang gaya gaya,,Ang inggit talaga ng fans ng kamuning abot hanggang mperyerno?hHHaha.”