
Kung sa matagumpay na pelikulang “The Kingdom” ay katauhan ni Piolo Pascual si Sulo na may dalawang babaing malapit na malapit sa kanya -- ang katauhan ni Iza Calzado na dating kasintahan at may anak pa nga siyang hindi niya nalalaman, at naging tagapatanggol na si Sue Ramirez na lakambini sa kahariang Malaya, kataka-taka at talagang marami ang bumagsak ang panga na sa totoong buhay, labing tatlong taon na siyang walang ka-romansa.
Oo, hindi kiyeme latik! Walang halong pag-iimbot at buong katapatang inamin ni Papa P, ang papa nating lahat na 13 taon na ang kanyang puso ay tigang.
Sa isang online palatuntunan niya ito inamin. Sinabi pa ni PJ na labis-labis ang kanyang pinagkakaabalahan kaya walang espasyo at panahon para siya ay makipag-romansahan. Maligaya siya sa kanyang single blessedness at ayaw niyang hindi maging patas sa kung sino mang babae na sa kanyang pakiwari ay kanya lamang mapapabayaan at hindi mabibigyang importansya at prayoridad.
Naku, naku, naku Papa P. Kung ayaw mo sa relasyon, wag ka na lang mag-‘kapote’ para naman ang iyong punla, eh may mga mapuruhang mga itlog para masundan na ang unico hijo mong si Inigo, huh! Malagong-malago na ang mga buhok ni Inigo sa kanyang kili-kili at tiyak na malago na rin ang bulbol nito kaya pwedeng-pwede na magka-bagong baby boy or girl courtesy of you. Kaloka kung mauna ka pang magka-apo kay Inigo kesa magka-bagong sanggol, huh!
Sino-sino na nga ba ang mga naging dating kasintahan ni Papa P? Lahat talaga sila, hindi pinangarap na magka-anak rsa kanya? Ang saklap naman! Charot! Hahahaha!
Ang importante, kahit single si Piolo Pascual, nakikita nating lahat na mas lalo niyang pinag-iigihan at pinaghuhusayan ang pagiging actor. Ang mga pinanood ang “The Kingdom” nitong Metro Manila Film Festival, na sa kasalukuyan ay itinatanghal pa rin sa mga sinehan hangggang sa 14 Enero, alam na alam kung gaano siya kagaling, hindi ba naman?
***
Kasalukuyang nasa shootintg stage na ang “Unconditional” mula sa BR Film Productions. Ang screenplay ay isunuat ni Jerry Gracio at ang director nito ay si Adolf Alix Jr.
Nakaka-intriga at tiyak hindi lang aantig, kundi hahaplos sa puso ang paparating na pelikula dahil ang tema nito ay tungkol sa kakaibang pagmamahalan tungkol sa isang transman at tunay na babae.
Ang magbibigay buhay sa katauhang transman ay ang internationally renowned at awarded na actor, si Allen Dizon at ang natatanging si Rhian Ramos, na dalagang magmamahal ng lubos at wagas.
Kasama rin sa pelikula sina Elizabeth Oropesa, Lotlot de Leon, Paolo Gumabao, Rico Barrera, Bradon Ramirez at Joel Lamangan.
Sa nasabing pulong balitaan nito, masaya at nakakadagdag sa kaalaman ang mga paksang pinag-usapan lalo na nga’t bisita ang transman at LGBT advocate na si Nil Nodala, na siyang tumatayong consultant para sa pelikula.
Siguradong marami ang magiging mausisa sa pelikulang “Unconditional” dahil sa ispesyal na kwento nito at sa mahuhusay nitong mga artista, screenplay writer, director at producer.
Siyanga pala, unang pelikula ito mula sa BR Film Productions ni ginoong Brandon Ramirez na dating artista.