
Pinag-usapan nang husto sa social media ang ‘Suspek, suspek’ joke ni Vice Ganda sa “It’s Showtime” patungkol kay Kim Chiu.
Sa nasabing segment ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN Christmas Special ay nagbiro si Vice Ganda na kaya pala hindi pa ipinapakilala ni Chiu ang kanyang bagong boyfriend ay dahil kumukunsulta pa raw siya sa feng shui expert kung compatible sila.
Nabuking din na may isang aktor na nakasumbrero na dumalaw sa dressing room ni Kim nang mag-recording siya. It turned out na si Paulo Avelino pala yung guy na leading man niya sa Valentine movie na “My Love Will Make You Disappear.”
Sa interview ni Kim kay MJ Felipe, ipinaliwanag niya ang nangyari sa “Suspek, Suspek” segment ng “It’s Showtime.”
“Suspek suspek bakit apat ‘yung sa akin, ‘di ako ready. Nakalimutan ko tuloy ‘yung suspek suspek ko,” say ni Kim.
Kinumpirma ni Chiu na dinalaw nga siya ni Paulo Avelino sa kanyang dressing room.
“Uy grabe. Nanggaling siya ng recording nun kasi wala pa ‘yung sundo niya. So dumaan muna. Nagulat din ako,” say niya.
Ayon kay Kim, hindi pa sila tapos ng shooting ng “My Love Will Make You Disappear” kahit na ipinalabas sa social media ang teaser nito.
“No, not yet. So wala munang bakasyon this December. Shooting muna kami,” say niya.
***
‘It’s Showtime’ mananatili sa GMA-7
Nilinaw ni Annette Gozon-Valdes, GMA Network senior vice president, ang mga isyung kinasangkutan ng “It’s Showtime.”
Nakausap ng mga reporter si Annette matapos ang “Konsyerto sa Palasyo” nitong Linggo.
“May hinintay kaming data, kaya natagalan ulit kaming bumalik sa kanila. Pero, siguro mga 95% [renewal], wala namang problema kasi, konting pag-uusap,” paliwanag ni Annette.
Itinanggi rin ni Annette ang kumakalat na chikang may malaking pagkakautang ang Kapamilya network sa kanila
“Ay hindi, wala, wala silang utang,” say niya.
Nilinaw din ni Annette na wala silang problema sa ratings ng “It’s Showtime” dahil palaging mataas ang ratings nito.
Ayon sa kanya, bagaman napag-usapan ding pamalit sa “It’s Showtime” ang “TikToClock” ay priority pa rin ng network, ang pag-renew ng kontrata ng “It’s Showtime.”