SUBSCRIBE NOW

Lalaking Intsik natagpuang patay sa loob ng kotse

Police line or cordon
(FILES) Police cordon
Published on

Isang lalaking Intsik ang natagpuang nakahandusay at patay sa loob ng kotse dahil sa mga sasaksak sa kanyang katawan sa Maynila kahapon.

Ayon sa kapulisan, ang biktima ay pinagsasaksak ng kanyang kapwa Chinese matapos ang mainitang pagtatalo kahapon ng madaling araw sa Tondo.

Mula sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide section, kinilala ang biktima na si Zhaoping Zhang, 46 anyos, nakatira sa EPZA, Rosario Cavite.

Ang hinihinalang salarin ay tumakas dala ang kutsilyong ginamit sa krimen, batay sa kuha ng CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen. Kinilala ng pulis ang umanoy nanaksak na si Liu Chow Qin na isa ring Chinese national.

Nabatid na naganap ang pananaksak alas-6:45 ng umaga sa Kalye Narra.

Bago ang insidente ay nakita ng isang testigo na nagngangalang Bojie Alarcon, isang security guard, kung paano nagtalo ang dalawa sa wikang Mandarin.

Maya-maya ay umalis ang suspect at bumalik na may bitbit na mahabang kutsilyo habang ang biktima ay nakaupo sa may manibela ng Toyota Avanza na may plate number na CBM 4247.

Nilapitan ng suspect ang biktima at biglang sinaksak niya siya ng maraming beses, ayon sa saksi.

Nagawa pa rin ng biktima na imaneho ang sasakyan hanggang sa makarating ito sa Kalye Algue kung saan siya huminto.

Nang tingnan ng traffic enforcer na si Victor Corrales ng Manila Traffic and Parking Bureau ang nasabing sasakyang nakahinto, nakita niyang nakahandusay, duguan at patay na ang driver.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at nagsagawa ng manhut sa hinihinalang nanaksak na nakunan sa CCTV camera na naglalakad sa kalye na parang walang nangyari.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph