SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Kulasisi

editorial
Published on: 

Nagtatatalak na naman ang Tsina dahil sa dalawang bagong batas ng Pilipinas na tumutukoy sa teritoryong dagat nito at kung saan maaaring dumaan ang mga dayuhang barko.

Nagprotesta at tinutulan ng Beijing ang Philippine Maritime Zone Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act na parehong batay sa UNCLOS o United Nations Convention on the Law of the Sea at sa 2016 Arbitral Ruling na nagpapawalang-bisa sa 9-dash line ng Tsina na umaangkin sa buong South China Sea, kasama ang West Philippine Sea (WPS).

Bakit pa kaya nagrereklamo ang Tsina kung di naman nito kinikilala ang 2016 Arbitral Ruling at sinakop ang dalawang isla o bahura na nakapaloob sa WPS. Hinaharang ng mga barkong coast guard ng Tsina ang mga mangingisdang Pilipino na nais makapasok sa Scarborough Shoal upang mangisda at pagdadala ng supply ng pagkain at tubig sa mga sundalong nakatalaga sa nakasadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Makailang ulit ring ginitgit at tinira ng tubig ng mga barkong Instik ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakapinsala.

Itong panggigipit ng Tsina sa mga mangingisdang Pilipino at PCG upang sakupin ang WPS ay masasabing pamamangka sa dalawang ilog, isang katagang hindi maganda ang kahulugan. Ang ganoong asta ay tulad ng lalaking kumakaliwa o may dalawang babae na inuuwian.

Ang ginagawa ng gobyerno ng Tsina na para na ring pag-aangkinin sa dalawang babae bilang mga asawa ay hindi maganda sa paningin dahil tanda ito ng katrayduran o kawalang-katapatan.

Hindi naman mapipilit ang ganitong ugali. Sa katunayan, gustong-gusto talaga ng Beijing na mamangka sa dalawang ilog o sakupin ang teritoryo ng kapitbahay niya.

Hindi naman ito basta-basta mangyayari dahil hindi papayag ang Pilipinas na maging kerida o kulasisi ng gahaman at mapanakop na Tsina.

Mayroon namang dignidad ang mga Pilipino para magpalapastangan sa Tsina. Kaya naman eto na, ang dalawang batas na pipigil sa pandarambong ng teritoryo natin.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph