SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Argel Saycon nakakapag-laway ang pabakat bunga

alwin ignacio
Published on

Hindi lang nakakapag-laway, nakakapag-init ng kalamnan ang pabakat bunga nitong si Argel Saycon, huh! Hulmang-hulma sa tanging saplot niyang boxer briefs sa isang eksena sa trailer ng bagong pelikula ni Petersen Vargas’ na “Some Nights I Feel Like Walking.” Ang pelikula na tinaguriang “queer road film” ay kauna-unahang itatanghal sa prestihiyosong Tallinn Black Nights Festival na ginaganap sa Estonia. Isa ito sa pinakamalaking A-list film na unang sinimulan nung 1997 hanggang sa kasalukuyan sa Hilagang Europa.

Kasama ni young master Saycon sa pelikula ang mga award-winning na aktor na sina Gols Aceron, Tommy Alejandrino, Jomari Angeles at ang mang-aawit na si Miguel Odron. Unang pelikulang buo ito ni young master Odron na sa totoong buhay ay bakla ang oryentasyong sekswal.

Ang mga diwata at sirena, lalong-lalo na ang mga pamhinta at boy borta, eh talaga namang happy fiesta ang pakiramdam, bukod sa parang nilagnat ang mga bekibel, pati na rin ang mga lalaking nagnanasa, nagmamahal at nakikipagtalik sa kapwa nila lalaki dahil nga grabehan at ang lalas ng dating ni Argel na may tinatagong taglay na pambihira sa boxer brief niyang best in pabakat bunga, sa true lang!

Ang panalo, ang hulma ng katawan ni Saycon, tunay na katawang pang-romansa talaga, para ngang kay sarap-sarap dilaan ng kanyang hubad barong katawan na palong-palong ang kisig at kinis. Yun bang kahit pawisan itong si Argel, manamis-namis pa rin at tiyak may isang bahagi ang katawan niya na ang halimuyak, parang amoy ng hinog na bayabas na talaga namang manunuot ang amoy at sangsang sa iyong kaibuturan at may kung anong bubulwal sa totoo o imahinasyon mo lamang na pagkababae.

Ang hulma ng katawan ni Saycon ay tunay na katawang pang-romansa.
Ang hulma ng katawan ni Saycon ay tunay na katawang pang-romansa. LARAWAN MULA SA FACEBOOK

Sa mga naglalanturang reaksyon mula sa mga takam na takam kay Argel, siksik, liglig at umaapaw sila sa Ekis. Kayo na ang bumasa at humusga kung nakakatuwa na o nakakadismaya ang kanilang mga papuri at hindi mapigilang kalibugan para kay young master Saycon.

Ang isa pang nagpalagablab ng damdamin na mula sa trailer, ang all mine to give at playing for truth na kaganapan sa pagitan ng mga katauhan nina Miguel at Jomari. Tunay na may apoy na nakakapaso ang kanilang cinematic na paglalaro at romansahan.

Ang kahuli-hulihang pelikulang may temang pagmamahalan ng lalaki sa kapwa niya lalaki na idinirehe ni Petersen ay ang “Hello: Stranger” na pinagbibidahan nina Tony Labrusca at JC Alcantara na talagang true to its boys love template eh sweet-sweetan at walang pangmalakasang eksenang mapangahas.

Ang ilan pa sa mga pelikula niyang pinag-usapan, pinuri at pinanood ng mga mahihilig sa pelikulang Pilipino ay blockbuster film na “Un/Happy For You” na pinagbidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto at ang “A Very Good Girl” kung saan bida-bida si Kathryn Bernardo.

Kaya ang tanong ng buong sangkabekihan, kailan nga kaya itatanghal sa mga sinehan sa Pilipinas ang “Some Nights I Feel Like Walking” para magkaalaman na kung hindi lang pabakat bunga itong si Argel Saycon kundi ang pambihirang nitong ari-arian eh isa, dalawa, may sasampalan ka pa, huh!

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph