
Nakakabaliw ang bagong pelikula mula sa Vivamax na ang pamagat ay “Ungol” kasi nga sa nasabing sexy payanig ni direk Bobby Bonifacio, iba’t-ibang klaseng pag-ungol ang maririnig sa mga artistang babae rito habang nakikipag-cinematic kuyangyangan sa kanila-kanilang mga katmabal.
Ang isa pang dagdag kaalaman sa pelikula, ang pag-ungol pala ay natural na reaksyon ng isang babae kapag ito ay nasasarapan sa kanyang pakikipag-talik. Ang sa mga lalaki naman, ang kanilang ginagawang tunog, ang tawag naman rito ay halinghing. Ayan, dear Chika Diva readers, alam niyo na kung ano ang pagkakaiba nila, ungol sa bebot, halinghing sa kelot.
Chika pa ni Direk Bobby, 80 percent ng pelikula ay puro ungol mula sa kanyang mahuhusay na artista, na dalang-dala ang husay at igting nila sa mga eksenang binibigyang buhay, ang maririnig ng mga manonood. Makikita rin siempre pa ang mga dahilan at pangyayari kung bakit may pag-ungol at kung paano mas nadagdagan ang init at sagitsit sa mga eksena, dahil nga sa mga halinghing naman mula sa mga barakong totoong artista.
Ang mga bida-bida sa “Ungol” ay sina Stephanie Raz, Audey Avila,Chad Solano at Ghian Espinosa.
Walang halong pag-iimbot at buong katapatang inamin ni Stepahanie na gustong-gusto niya pag ang kanyang kapareha sa pagtatalik ay humahalinghing. Pagpapakatotoo nito sa isang panayam: “Mas gusto ko kapag humahalinghing ang partner ko kasi ang ibig sabhin nu’n, magaling ako sa kama and mas nate-turn on ako kapag naririnig ko ang ganung natural na reaksyon.”
Alam niya ba, kung totoo o dramarama lamang ang paghalinghing? Sagot agad nito: “Oo, nalalaman ko kapag ang halinghing ay fake. Hindi maganda ‘yun kaya mas mabuti pa, kung hindi naman nakakakuha ng satisfaction, itigil na lang niya kasi nakaka-turn off kapag alam mong pinepeke.”
Sa pelikulang Ungol ay gumanap si Stephanie na bulag at sinabi niya na may mga scenes na nakakalimutan niya na bulag siya.
“Wala akong idea kung paano maging bulag so nag-workshop ako. Mahirap din gumamit ng contact lens sa character ko bilang bulag kasi umaga pa lang, nakasuot na. Sobrang nagda-dry agad ang mata ko.”
In fairness kay Stephanie, nagsaliksik siya para sa kanyang katauhang bulag. Chika niya: “Ang ginawa ko na lang, nanood ako ng mga clips o movie na may bulag na character at ‘yon ang aking pinag-aralan. Happy ako siempre na approved at nagustuhan ni Direk Bobby ang pag-arte ko bilang bulag.”
***
Nagpapasalamat ang inyong lingkod sa 10K organic subscribers ng aming on-line show, ang DTT Show Tarayan at Talakayan Showbiz Edition.
Matapos ang isang taon at limang buwan, pangalawang mahalagang yugto para sa aming palatuntunang DTT Show. Mapapanood kami tuwing Sabado at Linggo, 4 ng hapon, sa Diyaryo Tirada YouTube Channel at Facebook pahina.
Kaya mula sa akin, sa aking mga co-host na sina Kaibigang Bonggang-Bongga Glen Sibonga at Kumareng Ultra Maldita Alex Brosas, maraming-maraming salamat sa inyong subscriptions, panoonood, pagmamahal, reaksyon at suporta sa DTT Show Tarayan at Talakayan Showbiz Edition.
Susunod na milestone, siempre pa Silver YouTube Plaque na yan!