SUBSCRIBE NOW

PLUNDER CASE LABAN KAY VP SARA IKINAKASA

(FILE PHOTO) VICE President Sara Duterte goes on the offensive on Friday, sparing neither the late Ferdinand Marcos Sr. nor his son and namesake, President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. The Palace did not bother issuing a reaction at press time.
(FILE PHOTO) VICE President Sara Duterte goes on the offensive on Friday, sparing neither the late Ferdinand Marcos Sr. nor his son and namesake, President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. The Palace did not bother issuing a reaction at press time. IMAGE GRAB FROM INDAY SARA FB/PAGE
Published on

Inihayag ng House Committee on Good Government and Public Accountability, ang Blue Ribbon Committee ng Kamara de Representantes na posible umanong irekomenda nito ang paghahain ng kasong plunder laban kay Vice President Sara Duterte sa patuloy na pagkabigo na ipaliwanag sa patuloy na pagkabigo na ipaliwanag kung papaano ginastos ng confidential funds nito.

Kung matatandaan, umaabot sa P112.5 milyong halaga ng confidential fund ng Department of Education (DepEd), na kinuha sa pamamagitan ng cash advance ng malapit na aide ni Duterte, ang hindi pa naipaliliwanag kung papaano at saan ginastos.

Batay ito sa pahayag ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. noong Linggo, kasabay ng panawagan kay Duterte na sagutin at bigyang-linaw ang kwestiyunableng paglalaan ng pondo na natuklasan sa pagdinig ng komite noong Oktubre 17, sa pangunguna ni Manila Third District Representative Joel Chua.

Ang kinukwestyong pondo ay na-withdraw sa pamamagitan ng tatlong magkakahiwalay na tseke na may halagang P37.5 milyon bawat isa, na inisyu kay Edward Fajarda, ang Special Disbursing Officer (SDO) ng DepEd.

Ang mga cash advance ay ginawa sa unang tatlong quarter ng 2023, noong si Duterte pa ang kalihim ng DepEd.

Sa pagdinig noong Oktubre 17, sunod-sunod na tanong ang ibinato ni Gonzales kay DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla tungkol sa paggamit ng confidential funds at ang papel ni Fajarda sa pag-encash ng mga ito.

Kinumpirma ni Sevilla na ang mga tseke ay inisyu at na-encash ni Fajarda batay sa mga karaniwang proseso para sa mga cash advance na may kaugnayan sa confidential funds.

Ipinaliwanag ni Sevilla na ang kanyang tungkulin bilang Undersecretary for Finance ay limitado lamang sa pagproseso ng paglalaan ng pondo, alinsunod sa nakasaad sa joint circular na namamahala sa pagpapalabas ng mga confidential funds.

Subalit, tinukoy niya na ang DepEd Finance Office ay walang responsibilidad sa pagsubaybay kung paano talaga ginastos ang mga pondo.

Ikinabahala ni Gonzales, ang kawalan ng dokumentasyon sa isang mahalagang mga transaksyon.

Sinabi ni Sevilla na ang mga tseke ay na-encash sa Land Bank of the Philippines at si Fajarda ang may pananagutan sa inilabas na pondo.

Ipinunto ni Gonzales ang mga hindi pagkakatugma sa dokumentasyon, binanggit na ang mga disbursement voucher para sa mga pondo ay nakalista bilang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa halip na confidential funds.

Kinukuwestyon din ni Gonzales ang logistics ng paghawak ng ganitong malaking halaga ng pera, binanggit na kinakailangan ni Fajarda na aktwal na dalhin ang P37.5 milyon na cash sa tatlong magkakahiwalay na pagkakataon.

Iginiit ni Sevilla na sinunod ng DepEd ang kinakailangang proseso para sa paglalabas ng mga confidential funds, ngunit binigyang-diin na ang kanyang opisina ay nalalaman sa kung paano ginamit ang mga pondo pagkatapos itong maipamahagi.

Ang mga confidential funds na tinutukoy ay bahagi ng P150 milyong inilaan sa DepEd noong 2023 para sa mga programang nakatuon sa paglutas ng mga isyu tulad ng abuse prevention sa mga paaralan, anti-extremism efforts, at counter-insurgency.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph