SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW
Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson
Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson

CHAVIT, BIYAYA SA ATLETANG PINOY

Published on

Ang kapakanan ng mga atletang Pilipino ang isa sa magiging pangunahing prayoridad ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson sakaling palarin siya sa kanyang pagtakbo bilang senador sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Singson, may “soft spot” siya sa mga atletang Pinoy lalung-lalo na sa mga nagsisikap na magbigay ng karangalan sa bansa sa global arena.

“Dapat palaging nakasuporta ang gobyerno sa ating mga atleta,” saad ni Singson, na handang bumunot sa sariling bulsa upang matiyak na ang pangangailangan ng atletang Pilipino ay matugunan.

“Given the chance, tutulong ako. Talagang tutulong ako sa mga nangangailangan,” dagdag niya.

Kilalang benefactor ng Philippine sports, si Singson ay naging presidente ng Philippine National Shooting Association at matalik na kaibigan ni Manny Pacquiao bago pa man siya naging eight-division champion.

Nitong nakaraan lamang ay tinulungan niya ang dating Olympian na si Charly Suarez na ilunsad ang kanyang propesyonal na karera.

Sa tulong ni Singson, nakamit ni Suarez ang No. 1 contender status para sa World Boxing Organization super-featherweight championship matapos niyang pabagsakin si Jorge Castaneda sa kanilang title fight noong 20 September sa Arizona.

“I may be his manager but I don’t expect anything from him,” sabi ni Singson. “I don’t demand cut from his professional fights. Kung ano ang kinikita niya ay sa kanya. Para sa kanya at sa pamilya niya iyon.”

Subalit ang pinakamalaking naging benepisyaryo ng kabutihang-loob ni Singson sa mga atletang Pilipino ay si Carlos Yulo.

Kung matatandaan, lumutang ang problemang pamilya ni Yulo bago pa man niya nakamit ang double-gold medal success sa Paris Olympics noong Agosto.

Ayon kay Singson, handa siyang tumulong na ayusin ang hindi pagkakaunawaan sa pamilya ni Yulo. Dagdag pa niya, nais niyang gawing isang ultimate idol si Yulo sa loob at labas ng playing court.

“Family-oriented ang mga Pilipino, kaya naman tutulungan ko si Caloy na ayusin ang relasyon niya sa pamilya niya. At least lahat magiging masaya. Iyon ang magiging regalo ko sa mga Filipino sports fans,” dagdag niya.

logo
Daily Tribune
tribune.net.ph