SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Vic Sotto at Piolo Pascual, mga astig at palaban!

alwin ignacio
Published on

Kaloka, huh! Ang nag-iisang bossing ng bayan, si Vic Sotto at ang ultimate Papa P nating lahat, si Piolo Pascual, maugong na maugong na kapwa astig at palaban sa kanilang kauna-unahang pagsasama sa pelikulang “The Kingdom.

”Ngayon pa nga lang, nagkakagulo na at nag-iingay ang kanilang pagsasanib pwersa sa kanilang official 50th Metro Manila Film Festival entry na idinirehe ni Michael B. Tuviera, DGPI at handog ng MQuest Ventures, M-ZET Productions, at APT Entertainment, Inc., na tunay at walang halong kiyeme latik na isa sa pinakaaabangang family drama na talagang ginastusan para sa taunang festival.

Nakakuha kami ng behind-the-scenes photos kung saan unang masisilayan ang mga katuhan nina Bossing Vic at Papa P sa “The Kingdom.” Makikita si Bossing Vic na seryosong nakaupo, nagpapakita ng bagong aura na malayo sa kanyang usual na comedic persona.

Samantala, sa isa pang larawan, si Papa P, makikita siyang abala sa bukid, tila isang magsasakang ipinapakita ang kanyang kakaibang pagbabago para sa pelikulang ito. Parang sobrang astig ng kanyang katauhan at ibang-iba sa kanyang mga nagampanan dati, Para mas lalo pang maging maigting pa ang paghahanda ni Pascual para sa “The Kingdom,” kasalukuyan siyang sumasailalim sa pagtuturo kay master Jeric Pantaleon para sa kali o arnis.

Ang kali o arnis ay isang Filipino martial arts kung saan kabilang dito ang parehong sandata at mga kasanayan sa kamay sa iba’t ibang hanay ng pakikipaglaban gamit ang maraming uri ng teknolohiya.

Hindi tulad ng karamihan sa martial arts, ang kali ay nagtuturo ng parehong walang laman na mga kamay at armas nang magkasama; ang mga prinsipyo ay karaniwan sa pareho at mapagpapalit.

Mas lalo tuloy nakaka-excite na mapanood ang “The Kingdom” sa nalalapit na MMFF 2024 dahil sa paghahandang ito ni Papa P at ang tila misteryoso at seryosong katauhan ni master Sotto, huh!.

Malamang ay maghari sa takilya at maluklok sa trono bilang pinaka-garbo at pinakamalaking produksyon ang “The Kingdom,” hindi ba naman.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph