SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

TOPEX ROBINSON SINAGOT ANG MGA TUMAWAG SA KANYA NG SQUATTER

LA Salle coach Topex Robinson
LA Salle coach Topex RobinsonPHOTOGRAPH COURTESY OF UAAP
Published on

Inabswelto ng pamunuan ng Universities Athletics Association of the Philippines ang coach ng De La Salle University na si Topex Robinson sa umano’y panunura niya sa player ng University of the Philippines sa nakaraang laban ng kanilang koponan.

Sa kanyang pahayag matapos ang panalo nila laban sa University of the East, 77-68, Sabado ng gabi sa Araneta Coliseum, nanawagan siya sa mga patuloy na bumabatikos sa kanya na tumigil na sa kabibintang.

Binweltahan rin niya ang mga tumawag sa kanya na “squatter” sa social media dala ng kontrobersya ng panunura.

“’Yung mga tumawag po sa akin ng ‘squatter.’ Maraming salamat din po sa inyo dahil po talaga po namang naghirap ako at kung ano naman po ‘yung narating, na-achieve ko ngayon dahil po pinagsikapan ko. Ang tanong ko lang po, kapag po ba squatter, masamang tao?” pahayag ni Robinson, ayon sa ulat ng GMA News.

“’Di ba po ang squatter, ‘di naman po nila gustong maghirap sila pero nagsikap sila. Nag-aral sila, nakakuha sila ng scholarship at ngayon, nagkaroon sila ng maayos na buhay at ginamit nila ‘yung kahirapan nila para maging maayos ‘yung buhay nila para sa pamilya nila,” dagdag ng coach ng Green Archers.

Nanawagan rin si Robinson na tigilan na ang pambabatikos kay Reyland Torres, ang guard ng Fighting Maroons na sinigawan umano niya at hindi dinuraan.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph