SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Anyare sa oposisyon?

Anyare sa oposisyon?
Published on: 

Ang malusog na demokrasya ay nakasalalay sa pagkakaroon ng tinatawag na check and balance sa pamamahala. Dapat na may mamumuna sa namumunong partido sa lehislatura upang masigurong interes ng publiko ang maisusulong at hindi ang interes ng mga pulitiko at opisyal. Ibig sabihin ay naririyan dapat ang oposisyon na magsisilbing tagapuna sa mayorya at namumunong partido. Kung walang oposisyon, laging masusunod ang kagustuhang batas ng mayorya sa kongreso at hindi ito maisasalang at masusuri ng husto kung totoong kapakipakinabang para sa masang Pilipino.

Dati ay marami ang mga pulitikong kabilang sa oposisyon kaya hindi basta-bastang masusunod ang panukalang-batas na isinusulong ng mayorya. Sila ang mga taga-partido Liberal. Ngunit tila nasira ang reputasyon ng LP noong nakaraang halalan nang manalo ang matinding karibal nitong partido kaya isang senador lamang ang natirang oposisyon.

Ngayong umpisa na naman ang halalan para sa bagong 12 na senador at pagka-kongresista, pagka-gobernador, pagka-alkalde at pagkakonsehal, isang taga-LP lamang ang naghain ng aplikasyon para sa pagkakandidato sa Senado. Kahit manalo siya, dalawa lamang ang purong oposisyon sa Senado at ito ay hindi sapat upang balansehin ang botohan sa mga panukalang-batas. Laging matatalo sa botohan ang dadalawa lamang na taga-oposisyon na senador. Sa madaling salita, walang sapat na check-and-balance na nangyayari.

Bakit kulang ang oposisyon? Isang dahilan ay kumandidato ang mga malalakas na pambato ng oposisyon sa mga posisyong panglokal at hindi pang nasyunal. Isa pang dahilan marahil ay ang pangambang matalo ang mga kakandidatong oposisyon at masayang ang kanilang pondo at panahon.

Ang aasahan ngayon na oposisyon marahil ay mga baguhang senador mula sa ibang partido o independenteng kandidato na bukas maging kabilang sa oposisyon.

Gayundi sa kamara, dapat mayroong sapat na bilang ang oposisyon upang masuri at masala nang husto ang panukalang-batas na isinusulong ng mayorya.

Kung maalam ang mga botante sa kahalagahan ng oposisyon para sa malusog na demokrasya at pulitika sa bansa, pipiliin nila ang mga baguhan upang subukan ang kanilang galing.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph