
Pangmalakasan ang pambabastos at pagmumurang tinanggap ni Andrea Brillantes dahil sa kanyang pagiging fan-girl ni Filipina-American singing mega-star na si Olivia Rodriquez.
Isa si Blythe sa sangrekwang celebrities na bumili ng mahal na tiket at maagang pumunta sa Philippine Arena para panoorin ang one-night only concert ng iniidolo niyang si Rodriquez
Ang nakakabaliw, may mga wala sa hulog at katwirang nilalang sa social media platform na Ekis (ang dating Twitter) na ang pagkondena kay Brillantes, na inakusuhan nilang diumano, nag-horde daw ng VIP tickets kaya nagkaubusan agad ito, na hindi naman talaga totoo. Ang akusasyon pa na binigyan si Blythe ng VIP treatment sa concert venue kung saan mas lalong nagngitngit ang mga hindi ma-afford ang ticket ni Rodriguez ay napatunayang wala talaga sa hulog lalo na nga’t may mga larawan sa social media ang best friend ni Kyle Echarri na inagahan talaga ang pagpunta sa Philippine Arena para mauna sa pila para sa VIP area. Oo, may lumapit nga kay Brillantes at pinahihintulutan siyang makapasopk sa venue ng mas maaga pero tumanggi siya.
Ang mga may mga pahayag sa Ekis tungkol kay Blythe, parang mga walang pinag-aralan, mga lagpak sa magandang pag-uugali at kabutihang asal dahil ang mga mura na kanilang isinusulat para sa petite actress, ang sakit sa matang basahin at talaga namang hindi katanggap-tanggap.
Buti na nga lang talaga at unbothered si Andrea, at talagang ipinakita niya sa lahat na she is the better and more emotionally intelligent person kaya walang patola bardagulan na naganap.
At true talaga si Andrea Brillantes sa kasabihang “hating me won’t make you prettier,” hindi ba naman. At idagdag pa na “mayaman” na talaga ang aktres at business woman pa kaya afford na afford niya ang yayamaning presyuhan ng VIP tickets para sa Olivia Rodriguez na konsiyerto, hindi ba naman?
***
Ang mahusay at gwapong aktor na si Andrew Gan, pumirma na sa Viva Artists Agency at siempre pa, co-managed ang kanyang karera ni Tyrone Escalente.
Dream come true para sa papable papa Andrew na maging Viva artist. Wish niya na sa pelikula, mabigyang buhay niya ang: “Gusto ko mga out of the box complex characters. Yung hindi ako. Yung talagang ma-cha-challenge ako bilang aktor. Ang gusto ko talaga ay maging mahusay na aktor. Na pinagkakatiwalaan at ni-re-respeto.”
Ang career path na gustong tahakin ni Andrew, pati na rin sa mga katauhang bibigyang buhay ay yung tulad kay dakilang aktor na si Mon Confiado.
Matangkad, guwapo at matikas ang binatang aktor na si Gan. Ready rin siya sa sexy roles, pati na rin nga ang pagbuyangyang sa kanyang mahiwaga at pambihirang palo-palo, game na game rin siya basta: “Maganda ang script, mahusay ang direktor, may dahilan kung bakit kailangang ipakita yun, Meaning, may katuturan sa narrative ng film.”
Hindi rin isyu kay Gan na gumawa ng BL movie o kaya gay character basta ang importante sa kanya: “Story is king. Naging transwoman na ako sa Batang Poz.. Nagka-BL series na ako with Jomari Angeles. Naging gay best friend na ako sa pelikula namin ni Rhian Ramos. So kung gagawa akong muli ng mga ganun, dapat talaga magandang-maganda ang kwento at may katuturan.”
Naku, naku, naku dear Chika Diva mambabasa, sure na sure akong si Andrew Gan ang bago niyong mamahalin at sasambahin, huh!