SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

‘Unexplained wealth’

Dating Police Colonel Royina Garma
Dating Police Colonel Royina GarmaHouse of Representatives
Published on

Sa ika-pitong pagdinig ng House Quad Committee ay nabulgar ang hindi maipaliwanag na yaman ni dating Police Colonel Royina Garma. Si Garma ay kilalang malapit na kaibigan at kaalyado diumano ni dating Pangulo Rodrigo Duterte.

Si Garma ay dating nagsilbi bilang hepe ng isang police station sa Sta. Ana sa Davao City habang mayor si Duterte ng mga panahong iyon. Naging hepe rin sya ng Criminal Investigation and Detection Group sa Davao bago ma-appoint bilang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office noong 2019.

Kaya lang dawit si Garma sa pagpatay sa tatlong Chinese drug lords sa loob ng isang piitan sa Davao, bilang kanang-kamay ni Duterte sa pagpapatupad ng madugong ‘war on drugs.’

Sa pagpapatuloy ng Quad Comm hearing, binusisi ng mga mambabatas ang ilang properties ni Garma pati na rin ang paglustay umano nito ng pondo ng PCSO, maging ang kaugnayan nito sa Samahan ng Totoong Larong May Puso or STL Partylist. Si Garma ay isa mga key figures sa pagbuo ng STL Partylist. Ang first nominee ng nasabing partylist ay si Yvonne Barandog na asawa ni Chuck Barandog at isang matalik na kaibigan ni Garma.

Sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang PCSO general manager, nag-donate umano ang ahensya P2 million sa STL Foundation na dapat sana ay gagamitin sa pagbibigay ayuda sa mga kababayan nating biktima ng kalamidad.

Mula 2019 hanggang 2022, napag-alaman ng Quad Comm na halos P90 billion ang nawawalang pera ng PCSO. Hindi kaya inilaan ito sa partylist na kanyang itinayo nang sa ganon magkalaman ang kanyang bulsa? O di kaya posible na kaya itinayo ni Garma ang partylist na ito sa utos na rin ng Duterte para madagdagan ang kanilang kaalyado sa Kongreso? Nagtatanong lang po.

In-appoint din umano ni Garma ang ilan sa kanyang mga kamag-anak at close friends sa PCSO, kasama ang nag-iisa nyang anak. Malinaw na ‘abuse of power’ ang ginawang ito ni Garma. Dahil ba malakas sya sa dating pangulo?

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph