SUBSCRIBE NOW

PHL NAVY HANDA SA BAGYONG JULIAN

PHL NAVY HANDA SA BAGYONG JULIAN
Philippine Navy
Published on

Inihayag ng Philippine Navy na handa ang Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) team nito na alalayan ang mga mamamayan sa Northern Luzon na kasalukuyang dumaranas ng pagbayo ng bagyong Julian.

Sinabi ng Naval Forces Northern Luzon na naka-standby ang Naval Task Force 14 (NTF14) para sa deployment sa iba’t-ibang lugar na maaapektuhan ng bagyo at ang task force na ito ay binubuo ng mga personnel na may kasanayan sa humanitarian at disaster response, search and rescue operations, retrieval operations at iba pa.

Ayon pa sa Navy, nagpadala na rin ito ng mga liaison personnel sa iba’t-ibang disaster and risk reduction council para tumulong sa iba’t-ibang kapasidad at magkaroon ng mas maayos na koordinasyon.

Dagdag pa nito, nakahanda na rin ang mga kagamitan nito kagaya ng mga bangka, trucks, at iba pang rescue equipment para magamit sa anumang pangangailangan mula sa evacuation, rescue, at relief operations sa mga apektadong komunidad.

Samantala, maaaring maapektuhan ang kabuuang 108,767 ektarya ng mga palayan sa bansa dahil sa pananalasa ng bagyong Julian, batay sa datos ng Philippine Rice Information System.

Malaking porsyento nito ay mula sa Cagayan Valley region na umaabot ng hanggang 51,864 na ektarya. Ito ay pawang nasa probinsya ng Cagayan.

Sunod dito ay ang Ilocos Region na tinatayang may 46,911 ektarya na maaapektuhan. 25,731 ektarya ay mula sa Ilocos Norte habang 21,180 ektarya ay mula sa Ilocos Sur.

Sa Cordillera Administrative Region, inaasahang aabot sa halos sampung libong ektarya ng mga palayan ang maapektuhan.

Binubuo ito ng 4,238 na ektarya sa probinsya ng Abra at 5,754 na ektarya sa probinsya ng Apayao.

Batay naman sa kasalukuyang datus na hawak ng PRISM, malaking bahagi ng mga standing crops sa bansa ay nasa ripening stage o malapit nang maani. Ito ay may kabuuang 73,823 ektarya.

Umaabot naman sa 34,944 ektarya ang nasa reproductive stage habang 66,154 ektarya ang naani na bago pa man ang pananalasa ng bagyo.

Sa ibang balita, pinapakilos na ng National Electrification Administration ang mga electric cooperative na bantayan ang magiging epekto ng bagyong Julian sa power sector, lalo na sa Northern Luzon.

Inaatasan na rin ng ahensiya ang mga kooperatiba na i-monitor ang mga banta sa power distribution na maaaring maka-apekto sa mga consumer.

Pinapa-activate na rin ng NEA ang mga Emergency Response Organization(ERO) sa bawat kooperatiba na maaapektuhan sa pananalasa ng bagyo.

Sa ilalim nito, kailangan nang i-implementa ng mga EC ang akmang emergency response plan.

Pinapatiyak din ng NEA sa mga kooperatiba na may sapat at akmang mga material o buffer stock na magagamit para sa emergency power situation at power restoration.

Kaugnay nito, inaatasan ng ahensiya ang bawat EC na magsumite ng regular reporting ukol sa araw-araw na naoobserbahan sa kani-kanilang lugar.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph