SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Mga nakulong dahil sa karumal-dumal na krimen palalayain

Mga nakulong dahil sa karumal-dumal na krimen palalayain
PNA
Published on

Lima hanggang siyam na libong preso ang palalayain alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema sa Good Conduct Time Allowance (GCTA). Kasama sa bilang ang mga nahatulan ng karumal-dumal na krimen.

Sa desisyon ng Korte Suprema, ang mga taong nahatulan dahil sa karumal-dumal na krimen ay karapat-dapat sa mga benepisyo ng Republic Act (RA) No. 10592 o ang New GCTA, ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director-General Gregorio Catapang.

Sinabi ni Catapang na nasa pagitan ng 5,000 at 9,000 sa 27,311 persons deprived of liberty (PDL) na nahatulan dahil sa mga karumal-dumal na krimen ang inaasahang agad na makikinabang sa pinal na desisyon ng Korte Suprema.

Sa nasabing desisyon, sinabi ni Catapang na bumuo siya ng technical working group para mag-isyu ng mga bagong alituntunin sa pagkalkula ng credit preventive imprisonment at time allowances ngunit tiniyak niya na ang mga PDL na may sakit, terminally ill at edad 70 taong gulang pataas ang uunahin.

Sinabi ng hepe ng BuCor na 9,168 PDLs na napatunayang nagkasala ng heinous crimes ang karapat-dapat na palayain kung ang computation ay nakabatay sa petsa ng detention o 5,039 kung ang computation ay base sa petsa na natanggap sila sa mga pasilidad ng BuCor.

“Nais naming tiyakin sa lahat na magsasagawa kami ng proseso na nagsisiguro na hindi mangyayari ang pag-ulit ng diumano’y pakikialam sa mga talaan ng GCTA noong panahon ni dating Director General Nicanor Faeldon,” sabi ni Catapang.

Iginiit niya na inaprubahan na ito with finality at inihahanda na nila ang IRR o implementing rules and regulations para ipatupad desisyon.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph