SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Liza Soberano hindi pa falling star

alwin ignacio
Published on

Hindi pa nga ba “falling star” ang kategorya ni Liza Soberano. Si Hope, na minsan eh kasama sa isa sa pinakamatagumpay na tambalan dati, kung saan ang kanyang katuwang ay si Enrique Gil. Sa pagtiwalag niya sa Star Magic at ABS-CBN, pati na rin sa Careless Management ni James Reid, marami ang itinuring itong maling desisyon ni Soberano.

MAY bago na daw namamahala at namumuno sa karera ni Liza Soberano sa Hollywood.
MAY bago na daw namamahala at namumuno sa karera ni Liza Soberano sa Hollywood.LARAWAN MULA SA FACEBOOK

Mula sa pagiging Kapamilya A-lister, naging Hollywood starlet si Liza na ang ginagawa para magka-media attention ay mag clubbing, dumalo sa mga party, mag-pictorial sa kalye at pedestrian crossing, dumalo sa mga puchu-puchu awards show, maging vlogger, cover sa international magazines at ang pinaka-malaking gig niya ay ang sila-sila ang nanonood na pelikulang “Lisa Frankestein.”

Hindi na diumano on speaking terms si Soberano at Reid bago pa inanunsyo na hindi na pinamamahalaan ng Careless ang karera niya sa Amerika na neither here nor there ang deskripsyon. Hindi rin nakatulong ang mabalasik na chika na itong si Soberano, ang ka-close daw at totoo nga bang may nakahuli ritong nakikipag-laplapan sa business partner ni James sa Careless? At mas lalong hindi nakakatulong ang patuloy na paggamit sa kanya ni Enrique na kinesong mahal na mahal pa rin siya, na sila pa rin talaga, yun nga lang nasa magkaibang bahagi sila ng mundo.

May add-on chika na may bago na daw namamahala at namumuno sa karera ni Liza sa Hollywood at isa raw itong pangmalakasang talent management. Kung true, eh di bongga at sana nga ma-unleash at ma-maximize nila ang full potential ni Liza bilang istariray na star at hindi lang ito manatili bilang pahara-hara kung saan-saan na istarlet, huh! Kaya sige manalig na tayo na hindi pa tapos ang laban sa karera ni Liza Soberano na talaga namang may hinhin na tangi at dakilang ganda, hindi ba naman?

***

Ang siguradong hindi mga falling star, sina Kathryn Bernardo at Alden Richards na ngayon pa lamang, ipinapakita at ipinapadama na ang fuerza at lakas ng kanilang balik-tambalang pelikula, ang “Hello, Love, Again.”

Kamakailan, inanunsyo na pwede na bumili sa merkado ng tickets para sa nasabing pelikula na sa Nobyembre 13 itatanghal sa mga sinehan. Higit na sa kalahating milyon ang advanced ticket sales nito, nung unang araw na opisyal na bentahan ang cinema tickets. Ang taray, hindi ba naman! Habang tinitipa namin ang pitak na ito, tiyak na kung anumang opisyal na pigura ang ibabalita, tiyak na by the millions na ang sales nito.

Pinatikim na rin at mas lalong nagpa-excite sa KathDen fans ang bagong teaser para sa pelikula at talaga namang, alam na alam na talagang bound to be an epic at legend ang inaabangang pelikula.

Kaya ngayon pa lang, congratulations na sa “Hello, Love, Again” artistic at production team. Mahusay kayo! Mabuhay kayo!

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph