SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

P90-B NG PCSO nawawala?

Neil Alcober
Published on
(PCSO) general manager Royina Garma
(PCSO) general manager Royina Garma

Na-cite in contempt si retired police colonel at dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma dahil sa pag-iwas at pagtanggi nitong sagutin ang mga tanong patungkol sa kanyang pagiging close kay dating Pangulo Rodrigo Duterte.

In-appoint si Garma bilang PCSO general manager noong June 2019, agad-agad pagkatapos ng kanyang pagreretiro nilang pulis. Bagama’t meron pang natitirang 10 taon sa serbisyo ay inanunsyo ni Garma ang maagang pagreretiro noong June 2019, at noong July 15, 2019 ay agad nyang ginampanan ang bago nyang tungkulin sa PCSO.

Bagama’t sinabi ni Garma na inaplayan nya ang nasabing posisyon sa PCSO, hindi naman ito inanunsyo sa publiko bilang bakanteng posisyon. Marami ang naniniwala na talagang in-appoint sya sa nasabing posisyon dahil sa kanyang pagiging sanggang-dikit sa dating Pangulo.

At kahit itanggi nya ito, walang sinuman ang maniniwala na basta na lamang mabibigyan ng mataas na posisyon sa gobyerno ang isang dating police office na wala namang karanasan sa nasabing trabaho kung hindi umano ito malakas sa dating Pangulo.

Bago ang kanyang pagkakatalaga sa PCSO ay nagsilbi muna bilang police officer si Garma kung saan naging kaibigan at naging dikit nito si dating Pangulong Duterte. Noong 2018, inappoint naman si Garma bilang kauna-unahang babaeng police chief ng Cebu City.

Naniniwala naman ang ilang myembro ng Kamara na bagama’t mariing itinatanggi ito ni Garma malinaw anila na ang pagiging close umano nito sa dating Pangulo ang nakapagbigay ng impluwensya para mabigyan sya ng mataas na posisyon sa Davao City, Cebu City at kalaunan sa PCSO.

Sa panahong ng panunungkulan ni Garma sa PCSO mula 2019 hanggang 2022, iniharap ni Chairman Dan Fernandez ang isang ebidensya na nagpapakita na P90 billion diumano ang nawawalang pera ng PCSO.

Sinabi naman ni Garma na kaya nawala ang nasabing halaga dahil umano Covid-19 quarantine restrictions. Subalit naging mahigpit lamang ang pagpapatupad ng lockdown noong 2020 at naging medyo maluwag na noong 2021 at mga sumunod na taon. So, parang sinasabi na malaki ang nawawalang pera nawawala noong pandemic lamang. Baka naman hindi talaga nawawala, baka napunta sa bulsa ng iilan o di kaya nagamit para umano pondohan ang war on drugs ng nakaraang administrasyon?

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph