
Inalala ni Kira Balinger na muntik na niyang i-give up ang kanyang showbiz career.
Ito ang inamin niya sa presscon ng “Maple Leaf Dreams” kasama si LA Santos.
“Marami pong beses na gusto kong sumuko sa pagiging artista,” pag-amin ni Kira.
“Ang nakikita kasi ng mga tao is the glamorous side and everything, pero ang hindi nakikita kung gaano ka-unfair and kahirap sa industry,” dagdag niya.
“Kapag nai-imagine na suko ako sa pagiging artista, what happens next? What will I want to be? Parang kapag nag-iisip ako ng ibang gawin sa buhay, it doesn’t sit right with me. Mahal na mahal ko ang pagiging actress. I can’t imagine myself na gumagawa ng ibang trabaho,” paliwanag niya.
Bilang Molly sa “Maple Leaf Dreams” ay maraming natutunan si Kira sa kanyang character.
“Gusto niyang iahon ang kanyang pamilya sa kahirapan. Naging sunud-sunuran sila sa kamag-anak nila, and they’re living in the garage. I think she won the battle of being inaapi lagi,” say niya.
Mula sa direkyon ni Benedict Mique, kasama ang “Maple Leaf Dreams” bilang isa sa mga entries sa Sinag Maynila 2024 festival na palabas mula Setyembre 4 to 10.