SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Krystal Mejes proud sa maldita role

MAS lalo pang lumaki ang challenge kay Krystal dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang veteran stars.
MAS lalo pang lumaki ang challenge kay Krystal dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang veteran stars.LARAWAN MULA SA FACEBOOK
Published on

Para kay Krystal Mejes, isang very challenging role para sa kanya na gampanan ang role ni Myrtle Hidalgo sa “Lavender Fields.”

Maangas kasi siya sa series na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales at Janine Gutierrez.

“She is someone who is confident, strong and selfish. Kumbaga, in short, mataray po ako dito, maldita vibes,” say ng dalaga about her role.

Mas lalo pang lumaki ang challenge kay Krystal dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang veteran stars.

Siyempre po noong una I felt pressured na makakatrabaho ko po these veteran actors. But noong pumunta na ako ng set, na-realize ko that they’re all loving, sweet, humble and kind. They’re amazing people in general. Sobrang nakakataba sa puso that people I’m looking up to ay nakakasama ko na po,” say niya.

As an actress ay masasabing young achiever si Krystal.

Last year kasi ay nanalo si Krystal bilang Best Actress sa Paris Film Awards para sa role niya sa short film na Matapang.

Ginampanan ni Krystal ang role ni Mary Ann, a daughter ng isang sex worker played by Alessandra de Rossi na hinahanap ang kanyang totoong ama 

“Hindi ko po siya pinaniwalaan, hanggang ngayon, tumataas pa rin po balahibo ko when I think about it because you know I was just once na nangarap,” say ni Krystal sa kanyang interview last year.

“My heart is overflowing with joy and gratitude to be just so blessed to have people supporting me, loving me, trusting me, especially with this big recognition, of course. I can’t explain it, my heart is just so happy to have them in my life, I just feel so blessed and grateful,” dagdag pa niya.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph