SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Duterte, matitibag na ang pagiging astig?

Duterte, matitibag na ang pagiging astig?
Published on

Nitong nakaraan ay “kumanta” nang wala sa tono ang dalawang taong convicted mula sa Davao Penal Colony kung saan inamin ng mga ito na inutusan umano silang paslangin ang tatlong Chinese drug lords sa loob ng nasabing piitan noong nakaraang administrasyon.

Ang mga inmates na sina Leopoldo “Tata” Tan Jr. at Fernando Magdadaro ang nag-akusa kay dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang “mastermind” diumano sa pagpapatay sa tatlong Chinese drug lords na sina Cho-kin Tong, Jackson Lee at Peter Wang.

Sa naging pagdinig sa Kongreso kamakailan, isinalaysay ni Tan sa Quadcomm na noong Hulyo 2016 nilapitan umano sya ng kanyang high school classmate na si SPO4 Arthur Narsolis ng CIDG Davao para pag-usapan anya ang isang proyekto kung saan ililigpit umano ang tatlong Chinese nationals. Kasama ni Tan si Magdadaro sa trabahong ito.

Sa salaysay ni Magdadaro, pumayag umano sya sa naging alok sa kanya ni Tan na patayin ang tatlong Chinese drug lords kapalit ng kanyang paglaya sa pagkakakulong at syempre sa pabuyang matatanggap. Tiniyak umano ni Tan ang agaran nyang paglaya dahil mga kilalang tao mula sa gobyerno ang nasa likod nila.

Nangyari ang pamamaslang sa tatlong Chinese drug lords noong Agosto 13, 2016 kung saan nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang mga biktima sa loob ng nasabing penal colony sa Davao.

Ayon kay Tan, narinig nya na nag-uusap sina Bureau of Corrections Supt. Gerardo Padilla at dating Pangulong Duterte kung saan binati si Padilla sa matagumpay na pagpapatupad ng nasabing proyekto. Alam na alam nya umano ang dating pangulo ang nasa kausap ni Padilla dahil naka-loud speak ang cellphone nito.

Kaya siguradong iikot ang tumbong ng dating Pangulo sa naging rebelasyong ito ng dalawang inmates. Sayang, hangang-hanga pa naman sana tayo maigting na kampanya sa laban sa droga ng Duterte administrasyon.

Sa totoo malaki ang naitulong ng “war on drugs” ng nakaraang administrasyon dahil bumaba ang insidente ng mga krimeng may kinalaman sa droga. Maski mga petty crimes katulad ng snatching ay bumaba rin ang mga panahong iyon.

Kaya lang parang hindi na within the bounds of the law ang kaliwa’t kanang pagpatay sa mga drug personalities lalo na’t mga maliliit lamang na isda ang kayang nilang patayin.

Sa bahagi naman ng tatlong Chinese nationals na pinaslang habang nakakulong ay hindi rin naaayon sa batas ang pagpataw ng parusang kamatayan sa kahit sinumang bilanggo na lalo na kung ilalagay mo sa sarili mong kamay ang batas. Malinaw na may sabwatan ng mga malalaking opisyal ng pamahalaan sa insidenteng ito, at ang mabigat, kasama diumano ang dating Pangulo.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph