
Isang pagbati sa pagbabalik ng aking kolum na dating ibang pangalan at ito ay akin ng binago.
Sa kasalukuyan ay mabigat ang labanan ng dalawang pangunahing kakandidato sa kapitolyo ng bansa -- si Honey Lacuna at Isko Moreno.
Sa haba ng panahon, alam natin ang lahat ng pinagmulan nila sa pulitika at dahilan sa pagiging team player nilang lahat at sa matagal ng pananatili nila sa pang politiko ay sumapit na ang mga panahon na sila na ang ngayon mga lider.
Si Yorme, na siyang talagang nagpatatag at nagsulong ng samahang Asenso Manilenyo -- na tinatag ni yumaong VM Danny Lacuna -- mula nang nahalal na konsehal, vice mayor at huli ay mayor matagumpay niyang dinala ang kanilang partido.
Sa unang pag-upo ng alkalde ay naharap sya sa malaking hamon ng kanyang puwesto, ang buong mundong pandemic at masasabi sa buong bansa na pasado with flying colors sa mga paraan na kanyang sinubukan upang mailigtas ang mas maraming buhay at pasadong marka ang kanyang nakuha.
Kasunod noon ay nangarap na masungkit ang maging pangulo ng bansa ngunit sinawi kung saan, pinili sumaka-isang tabi (gedli).
Makaraang lumipas ang ilan taon, dahil na rin sa malakas na panawagan ng mga taga-Maynila na siya ay bumalik, marahil ito ang kanyang nasa isip.
Tila biglaan at bilis ng pagbabago at maging kanyang mga kasama sa local politics ay hindi insahan ang ganyang desisyon.
Samantala, sa sitwasyon naman ni Mayor Honey Lacuna, tila nabigla rin at hindi inaasahan ang kanyang pagbabalik.
Kung sa panig ni mayora ginampanan niya ang kanyang tungkulin na ituloy ang mga proyekto, panatilihin ang mga opisyales na appointed ni Moreno at ang pinaka-nakakagulat ay ang umano iniwan na utang ni Moreno na aabot sa halos P17 bilyon umano na kanyang unti-unti nababayaran na at patuloy ang pagbayad.
So, malinaw sa kanya ang pagtakbo ng ikalawang termino.
Dito nabigla lahat kung saan biglang naguhitan ang city hall ng dalawang pangkat – Pro-Isko o Pro-Honey.
Sa umiiral na sitwasyon lamang ang bilang ni mayora sa city council, 21 konsehal at 5 congressmen laban sa 17 konsehal at 1 congressman para sa Pro-Isko.
Dahil sa palapit na filing ng CoC, dito na makikita ang pinal na groupings, Asenso Manilenyo party ni Mayora Lacuna laban sa Bagong Maynila ni former Mayor Isko Moreno. Aabangan po natin ang magiging pasya ng batang Maynila, kaya bye for now.