
Naawa ang Lavender Fields lead actress na si Jodi Sta Maria nang makita niya ang dalawang abandoned puppies habang nasa taping siya.
Sa matinding awa, inampon ni Jodi ang isa habang ang isa naman ay imampon ng kanilang director.
“Hello everyone! Meet the newest member of my fur family – Zandro or Z!” say ni Jodi sa kanyang Instagram post kalakip ang ilang photos ng tutorials.
“Yesterday sa taping I noticed a small movement from afar. Hindi ko masyado pinansin kasi nagba-block si Direk Manny ng scene. So when it was time for us to move to position for our car chase scene, lo and behold… may dalawang puppy just a little over a month old on top of a concrete barrier sa tulay. They were scared and didn’t know what to do obviously they had been abandoned.Baka mahulog,” kuwento niya.
“Without hesitation bumaba ako sa picture vehicle at kinuha ang dalawa. Sinakay sa kotse at isinama muna sa car scene. O di ba instant artista sila?
“The chocolate brown colored puppy was adopted by Direk Manny which he named Lav. I got this cutie and named him Zandro — kasi si Kuya Albert Martinez ang kasama ko when I found him.
“After pack-up I headed home with the newest member of our family. You are safe now little Z. Mommy will love and protect you,” dagdag pa niyang kuwento.
Nagbigay din si Jodi ng payo sa mga may alagang fur babies.
“PS. If you have pets, you can have them spayed or neutered if you don’t want them to bear offsprings.May low cost na spaying/neutering naman po or sometimes libre pa.I do hope na maging responsible po tayo sa pag-aalaga ng pets,” say niya.
Chavit Singson magbibigay ng P5M kay Carlos Yulo pero may kondisyon
Nag-pledge si former Ilocos Sur Gov. Chavit Singson ng 5 Million pesos para sa Olympic gold medalist Carlos Yulo.
Pero hindi ito para sa dalawang gold medals ni Carlos kundi para sa pakikipagbati nito sa kanyang pamilya.
“Maligaya kayong pamilya, maligaya na rin ako kaya magbibigay ako ng limang milyon sa pamilya ninyo kung mapatawad ninyo ang isa’t isa,” say ni Gov. Singson.
“Parang nag-away-away, hindi nila makontak. So, kako, okay lang, pero paano kaya makontak? Nag-press release na lang ako para lang magsama-sama sila, buong pamilya, magbibigay ako ng limang milyon,” dagdag pa niya.
“Hindi sa panalo niya na gold sa Olympics, more on yung sa pamilya. Kasi nararamdaman ko yung kaaway mo yung anak mo. Masakit sa ama na aawayin ka ng anak mo at hindi man lang sila inimbita. So, kako, kung magsama-sama lamang sila, magbibigay ako ng limang milyon,” pagdidiin ni Gov. Singson
“Kung anuman ang napag-awayan noong araw, sana patawarin ninyo na ang nanay ninyo. Kung siya ang may kasalanan o kung sinuman ang may kasalanan, mas maganda sana dahil wala ka naman dito sa mundong ito kung hindi [dahil] sa nanay at tatay mo,” say niya.
“So, nakikiusap ako. Maligaya kayong pamilya, maligaya na rin ako kaya magbibigay ako ng limang milyon sa pamilya ninyo kung mapatawad ninyo ang isa’t isa,” pagtatapos ni Gov. Singson.