SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Vilma Santos, iniintriga sa diumanong pangangampanya

Vilma Santos, iniintriga sa diumanong pangangampanya
Published on
vilma santos
vilma santos

Poot na poot at suklam na suklam kay Star For All Seasons Vilma Santos ang mga di kumikilos ayon sa kanilang ganda at mga wala namang pribelihiyong masuplada na ayaw tumigil sa pagratrat sa panganagampanya diumano nito para maitanghal na Pambansang Alagad ng Sining.

Kamakailan, ginawa nilang malaking isyu ang di pagdalo nito sa Star Awards for Movies gabi ng paranagal kung saan isa siya sa tatlo na hinirang na maging pinaka-mahusay na pangunahing aktres.

Pati ang pagdalo nito sa Luna Awards, may alingasngas rin na ginagawa ito ni Rosa Vilma Santos-Recto para mangampanya sa kanyang mga kapwa artista para mas mapalakas ang panawagan na siya ay maisama sa Ordern ng mga Pambansang Alagad ng Sining.

At ang pinakabago na pakiwari nila ay bahagi ng pangmalakasang kampanyahan para sa isa sa huling apat na movie queen, ang exhibit at pagpupugay para kay Santos na ang may pakana ay ang Archivo 1984.

Matutunghayan sa nasabing eksibisyon ang vintage photos, movie posters, vinyl records, at memorabilias ng 62 taong pamamayagpag ng showbiz career ng multi-awarded actress na hindi pa man kasama sa Orden, marami ang nanalig na isa na itong Pambansang Kayamanan.

Ang Star for All Seasons ang pinaka-importanteng bisita sa eksibisyon na nangyari sa Archivo 1984 Gallery na maaring biistahinsa Chino Roces Avenue, sa Makati City.

Ang ilan sa mga natatanging makikita sa eksibisyon ay isang larawan na kuha ng award-winning cinematographer na si Romy Vitug mula sa set ng 1978 movie na Pagputi ng Uwak, Pag-Itim ng Tagak sa Majayjay, Laguna.

Ayon sa isang panayam, ang reaskyon dito ni Ate Vi: “Nag-goosebumps ako talaga. Nangilabot ako when I saw it. Kasi wala ako niyan. Wala akong mga kopya na ganyan. I saw my picture, si Romy Vitug, kinukunan pala ako. May isang frame, magkano ba yon? Bibilhin ko.”

Kwento pa nito: “I am wearing pink. Kinunan pala ako [ng litrato] ni Romy Vitug na nag-aayos ng belt, kagat-kagat ko pa yung belt. It was so natural na hindi mo makikita yang picture na yan.”

Aniya pa: “There’s so many many pictures and nagre-reminisce po ako sa aking career. Unfortunately, wala ako ng mga ito. Kung meron man siguro masuwerte na yung mga lima, but the rest, wala talaga.”

Kuna-unahang pagkakataon ni Santos na maranasan ang ganitong pagbibigay pugay. Sabi pa nito sa panayam: “First time I have experienced this. Mahigit na po akong anim na dekada sa industriya. Kapag may mga museo o exhibit na ganito, ako ang nagbibigay nung public servant ako. First-time experience na ako po ang binigyan and for that, I am very, very thankful. Maraming salamat po.”

Ang Star For All Seasons, maski siya, naseksihan sa sarili matapos makita ang larawan at mga bidyo clip niya na mula sa pelikula niyang “Burlesk Queen.”

Walang patumanggang kaligayahan ang naramdaman ni Vilma Santos dahil sa memorabilias na kanyang nakita sa eksibit at todo ang pasasalamat niya sa nagpasimumo dito.

At dahil nga sa pangyayaring ito, binansagan na naman ang nasabing eksibit na kasama sa pangmalakasang pangangampanya para nga mailulkok at maitanghal na National Artist si Vilma Santos.

Naku, naku, naku, lahat na lang binibgyan ng mga kahulugan, huh!

***

Going for gold ang collaboration ng Southeast Asian Superstar Pop Group, ang SB19 at ang pangunahing rapper ng Pilipinas, si Gloc-9 sa kakalabas lang nilang kanta, ang ‘Kalakal na para sa A’TIN’ ay inaalay ng mga artistang nagsanib pwersa sa kanilang bashers at haters.

Mataas ang paghanga at respeto ni Gloc-9 sa Mahalima at naikwento nga nito sa isang panayam: “Una ko silang nakita na nagprapraktis sa isang holding area ng isang event at nakakagulat sa sobra silang galing sa pagkanta at pagsayaw.”

Patuloy ni Gloc-9: “Wala silang pinagkaiba kay Manny Pacquiao na ilang taon nag-train sa boxing kaya pagpasok sa ring, knock out ang kalaban.”

Sina John Pablo Nase, Josh Cullen Santos, Justin De Dios, Ken Suson at Stell Ajero, kahit kailan, hindi ikinaila ang kanilang paghanga sa pinakamahusay na Filipino rapper sa kasalukuyan.

Ang SB19 ang unang nag-reach out kay Gloc-9 pagkatapos ng kanilang ‘Pagtatag’ finale concert sa Araneta Coliseum, upang matuloy ang collab.

Patas ang inputs nila sa lyrics at melody lalo na sa chorus na layunin nilang maging anthemic ang tunog. ‘Yung pagsulat ng verses ay itinoka sa kung sino ang kakanta nun.

Pag-amin pa ni Gloc-9: “Kahit pa nga nauna ako sa SB19, tunay na nakaka- inspire ang kanilang dedikasyon at kumpiyansa bilang grupo, lalo na ang kanilang kababaang-loob, at willingness sumubok ng mga bagong idea. I would love to collaborate with them again.”

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph