Umapela sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) and Police Regional Office 11 (PRO-11) na huwag na umanong humarang at hayaan na ang otoridad na matiwasay na magsagawa ng search operations kay KJOC founder Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay PRO 11 public information office chief Police Major Catherine dela Rey, sa lalong madaling panahon ay makakapagsilbi ulit sila ng arrest warrant kay Quiboloy na walang panghaharang ng mga taga sunod nito.
Una nang iniulat na binigyang diin ng KOJC na magbabantay sila at haharang sakaling magsilbi pa ng panibagong warrant of arrest ang Philippine National Police (PNP) laban sa Pastor sa loob ng kanilang compound.
Matatandaan na nagkaroon ng gulo sa pagitan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIG) at taga sunod ni Quiboloy noong Hunyo 10 nang magtangkang magsilbi ng warrant of arrest kay Quiboloy ang pulisya.
Nangatuwiran ang mga miyembro ng KOJC na ang hakbang ay sinadya para takutin lang umano at pilitin si Quiboloy na sumuko, na nahaharap naman ngayon sa mga kaso sa ilalim ng Section 5(b) of Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act sa ilalim ng Section 10(a).
Nanindigan si Dela Rey na hindi layunin ng pulisya na mapinsala o madamay ang mga sibilyan at sumusunod lamang sila sa utos ng korte.