SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Jodi Sta. Maria napasabak sa aksyon sa bagong teleserye

Alex Brosas
Published on

Para kay Jodi Sta. Maria, pinaka-challenging ang role niya sa Lavender Fields.

First time niya kasing gumawa ng serye na may element ng action. Kasama kasi sa kuwento ang paghihiganti niya laban kay Jericho Rosales.

“I’d say na it’s not easy, it’s very challenging, ang daming mga physical scenes talaga na nire-require. We had to do a lot of preparations from training to doing cinematic Filipino martial arts to boxing, a lot of strength and conditioning to avoid injuries. A lot of rehearsals na before kami sumampa sa set, may day talaga na ina-allot ‘yan para sa rehearsal lang,” say ni Jodi.

For the action scenes, isang buwan na nag-training si Jodi para magmukhang believable ang kanyang character.

“Si Jasmine Flores at si Lavender Fields ay iisa. Si Jasmine Flores as nahulog nang bonggang-bongga sa role ni Jericho Rosales, so nagkaroon sila ng ‘thing’. At dahil doon sa ugnayan na ‘yon, doon nagsimula ang problema at sigalot sa buhay ni Jasmine Flores, a.k.a. Lavender Fields,” paliwanaf ng 2023 Asian Academy Creative Awards’ best actress.

***

Maganda ang resulta ng pagtulong ni Gerald Anderson sa isang pamilya na pinasok ng baha ang bahay sa kasagsagan ng Bagyong Carina sa Metro Manila.

Sa kanyang hindi matatawarang effort ay umani ng papuri ang Kapamilya actor.

Just recently, binigyan si Gerald, na isang Auxiliary Commander ng PCG, ng isang natatanging pagkilala dahil sa kanyang kabayanuhang ipinakita. Ginawaran siya ng isang “search and rescue medal” ni PCG Commandant Adm. Ronnie Gil Gavan.

“Thankful ako sa Coast Guard na ni-recognize nila ’yung award ko. But I share this award with other rescuers, other volunteers, lahat po ng nag-donate din para makatulong sa iba. One thing I said na sana, my actions or kung ano po ’yung nakita nila sa Facebook will inspire others to also help, but not necessarily kailangan nilang gawin ’yun [paglangoy sa baha],” say ni Gerald matapos siyang gawaran ng medalya at ribbon.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph