SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Kontrapelo

editorial
Published on

May kasabihan sa Ingles na “practice what you preach” o gawin mo ang iyong paniniwala. Ngunit may mga taong iba ang ginagawa sa sinasabi na maaaring sinasadya o nagkamaling gawin dahil siguro sa kalituan. Kontrapelo ang bansag sa kanila o sa ganitong gawi.

Sa larangan ng diplomasya at pulitika ay talamak ang mga kontrapelong pahayag ng mga pinuno at pulitiko bilang stratehiya na maging nutral o walang kinikilingan, o maging nasa panig na ligtas o “playing safe.” Halimbawa rito ay ang dahilan ng isang senador sa pag-alis sa kanyang partido.

Ayon sa senador, salungat ang paniniwala niya at ng partido sa foreign policy ng Pilipinas kaya minabuti niyang tumiwalag. Para sa kanya, ang posisyon ng Pilipinas sa agawan sa West Philippine Sea ay dapat naaayon sa Arbitral Ruling ng korte sa Hague noong 2016 na nagsasabing hindi pag-aari ng mga Intsik ang buong South China Sea. Ang kanyang iniwang partido naman ay isinasantabi ang nasabing Arbitral Ruling at negosasyon ang nais panaigin para sa kalutasan ng agawan ng teritoryo.

Bagaman tanggap ng partido ang dahilan ng senador, iba ang pahayag niya sa media. Sinabi ng senador na hindi naman siya humiwalay sa lider ng partido.

Samantala, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tuloy pa rin ang kontrobersyal na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) dahil suportado ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., salungat sa pahayag ng dalawang grupo ng mga may-ari ng PUV na tinutulan niya ito. May pahayag rin ang isang opisyal ng ahensya na hihintayin nila ang sagot ng pangulo sa panawagan ng 22 senador na suspindihin ang PUVMP. Ano ba talaga, kuya?

Ayon sa pamunuan ng LTFRB, mahigit 80 porsyento na ng mga may-ari at nagmamaneho ng PUV ay bumuo na ng kooperatiba o korporasyon upang magpasada ng modern jeepney. Ngunit dalawang malaking grupo ng mga tradisyunal na jeepney ay tutol pa rin at ayaw sumama sa programa.

Ano ba talaga kuya?

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph