SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Sandro Muhlach, bidang-bida sa kumplikadong kaganapan

Sandro Muhlach, bidang-bida sa kumplikadong kaganapan
Published on

“Walang kinikilingan. Walang prinoprotektahan. Walang kasinungalingan. Serbisyong totoo lamang.” Ito ang sikat na tagline na nakadikit sa pangalan ng GMA Network, na palagiang binabanngit sa kanilang mga pang-balitaang palatuntunan. Sa ngayon, dumadaan ang mga nasabing salita pati na rin ang pamunuan sa network sa Kamuning dahil sa iskandalong nangyari nung idinaos nila ang kanilang GMA Gala.

Pinangalanan na, mula sa opisyal na pahayag ng GMA Network, ang mga nilalang na sangkot sa diumanong kahambal-hambal na pangyayari na ang pinagmulan ay isang bulag na chika.

Ang “biktima” sa kaganapan ay ang baguhang artista na si Sandro Muhlach, panganay na anak ni dating child wonder at ngayon ay character actor na si Niño Muhlach at Edith Millare. May alegasyon ang 23 anyos na binata na siya ay hinalay ng dalawang baklang may mga naging palatuntunan sa Kapuso,

Sa opisyal na pahayag ng GMA 7, pinangalanan nila ang inireklamo ni Muhlach. Ang mga ito ay sina Jojo Nones at Richard Cruz na “independent contractors” ang relasyon sa nasabing network.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph