SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Dagdag-bawas

Dagdag-bawas
Published on

Nagkakagulo ngayon sa bansang Venezuela sa Timog Amerika dahil sa kontrobersyal na halalan roon. Ayon sa tagapamahala ng eleksyon roon, si pangulong Nicolas Maduro ay muling nahalal at siyang mamumuno sa Venezuela sa susunod na anim na taon. Kinontra naman ng oposisyon ang pahayag at sinabing si Edmundo Gonzalez Urrutia ang tunay na nanalo sa eleksyon at siyang nahalal na pangulo. Nagpoprotesta ang mga tagasuporta ni Urrutia habang iginiit ni Maduro na siya ang nanalo at pipigilin ang panggugulo ng mga nagpoprotesta.

Kung totoo ang paratang nila Urrutia, may nangyaring dagdag-bawas sa botohan kaya nanalo si Maduro. Ngunit mahirap mapatunayan ang sinasabing dayaan kung saan dinadagdagan ang boto ng isang kandidato at binabawasan naman ang boto ng kalaban.

Sa Pilipinas ay magkakaroon rin ng halalan sa susunod na taon. Tuwing may eleksyon, nagkakaroon ng pangamba ng pandaraya o dagdag-bawas bagaman ito’y hindi napapatunayan. Kung anupaman, sana nga ay walang nangyayaring ganitong anomalya at pandaraya. Kung meron mang dagdag-bawas, sana’y ito ang dagdag sa sahod sa mga kawani ng pamahalaan na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at bawas naman sa haba ng oras ng pagtuturo ng mga pampublikong guro.

Ang utos ni Marcos ay nakapaloob sa Executive Order 64 na saklaw ang lahat ng sektor na pamahalaan, pati ang hudikatura, lehislatura at mga komisyon. Dahilan ng pangulo ay ang inflation na nagpakulang sa halaga ng pera na makabili ng sapat na pangangailangan ng mga mamamayan.

Ang unang taas ng sahod ay makukuha nang retroaktibo simula Enero 1, 2024 at may tatlo pang sunod na pagtaas ng sahod sa bawaty Enero ng 2025, 2026 at 2027.

Samantala, nangako naman si Kalihim ng Edukaston Sonny Angara na ipapatupad ang anim na oras na trabaho ng mga pampublikong guro dahil umano sa umiiral na sobra-sobrang oras na pagtatrabaho nila na labag sa batas.

Tama naman ang anim na oras lamang bawat araw na pagtatrabaho ng mga guro dahil masasakripisyo ang kanilang kalusugan at kalidad ng pagtuturo kung sila’y pagod sa haba ng oras ng pagtuturo.

Iyan ang magandang dagdag-bawas na karapat-dapat mangyari.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph