
Sizzling at daring ang dating ng Vivamax bombshell na si Robb Guinto sa bagong offering ng outfit na “Unang Tikim” kung saan kasama niya dito ang Vivamax queen na si Angeli Khang.
Talagang palaban kasi ang eksena ng dalawa sa nasabing pelikula n amula sa direksyon ni Roman Perez, Jr.
Girl love ang tema ng movie na ito at ayon kay Robb, naging challenge sa kanila ni Angeli ang ginawa nilang eksena bagama’t wala umanong awkward moments.
“Especially nu’ng first few intimate scenes namin, tawa lang kami nang tawa after. For me, when I learned that I would be working with Angeli, there were really no adjustments for both of us kasi comfortable na kami sa isa’t isa aside from the fact na magkaibigan kami,” sabi ni Robb.
“I remember what we said when we were naked, facing each other, ‘Luckily, it’s the two of us working on this together.’ It was fun because it was like we were just playing while doing our parts,” ayon naman kay Angeli.
Ang most challenging love scene raw na ginawa nila sa movie ay yung kinunan sa creek.
“It was raining, umaga pa yun. It was ice cold! The challenge was while we were doing the sexy scene, tina-try kong hindi manginig yung bibig ko,” sabi ni Robb.
Samantala, patok naman si Angeli sa Kapuso Prime series na “Black Rider” na pinagbidahan ni Ruru Madrid dahil hindi lang daw ang mga parokyano ng Vivamax ang mga supporters niya ngayon kundi pati mga Kapuso viewers na tumutok sa katatapos lamang na action-drama series na “Black Rider.”
Tuwang-tuwa nga ang dalaga nang maimbita siya sa GMA Gala 2024 last July 7, kung saan nakita at nakahalubilo niya ang mga bigating bossing at celebrities ng Kapuso Network.
“Ang daming nagha-hi! Ang daming kumakausap sa akin, every booth pinapunta ako hanggang sa pagpunta ko sa table, ang daming tuma-tap sa arms ko,” chika ni Angeli about her experience sa GMA Gala this year.