
“Walastik at pantastik.” Yan ang pangmalakasang papuri na mula sa mga barakong totoo para kay Kapuso star na si Max Collins. Literal na nanlaki ang kanilang mga mata. Nagngalit ang mga ugat at muscles kasi nga, tunay na makakarahuyo ang alindog ni Collins na ang tanghing saplot lamang ay panty at bra para sa print patalastas nito para sa local clothing brand na isa siya sa mga nakakabighaning modelo.
Panalong-panalo ang kurbada at kinis ng katawan ni Max at ang malusog niyang dibdib, tila naging bato-balani at duon talaga nakatuong ang mga mata ng mga hombreng takam na takam sa kanyang kariktan.
Ang dating ni Collins sa nasabing pictorial ay tila isang diyosa na talagang kumikiliti sa kalamnan, nagpapainit sa puson at nagpapaigting sa libog at pagnanasa.
Sa totoo lang, ang alindog at kagandahan ni Max ay may tunay na pangrahuyo. Nagpapaapoy sa kung anong mga damdamin ang kanyang curve-licious at ang mapanukso niyang mukha at ang katamtamang laki ng kanyang dibdib, ay talagang palong-palo kaya ang vavavoom factor niya, nakabubuhay ng mga tinatagong kalamnan.
Kaya naman sa kasalukuyan, hindi lang inihahanay kundi isang millennial bathaluman ang natatanging si Max Collins.
***
May opisyal na pahayag na ang GMA 7 patungkol sa chikang kumalat sa X (dating Twitter) at iba pang entertainment portals patungkol sa diumanong kahalayan na nangyari nung GMA Gala.
Sa social media, ibinunyang na ang pangalan ng mga baklang diumano ay mga salarin pati na rin ang baguhang artista.
Sabi sa pormal na pahayag mula sa Kamuning network, wala pa silang natatanggap na pormal na reklamo tungkol dito kaya hindi muna namin papangalan sa aming pitak ang pinapangalandakang mga taong sangkot sa nasabing pangyayari.
Kapag pormal na ang reklamo, saka namin papangalan ang baguhang aktor na mula sa isang tanyag na showbiz family at ang dalawang bakla na “independent contractors” ang deskripsyon sa opisyal na pahayag.