SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Maliit pero terible

Maliit pero terible
Published on

Maituturing bang tagumpay ang pagbubukas ng klase sa lahat ng paaralang elementarya sa bansa nitong Lunes?

Natutuwang ibinalita ng Kalihim ng Department of Education Sonny Angara na 98 porsyento ng pampublikong paaralan ay nagbukas na para sa simula ng kasalukuyang school year. Ang dalawang porsyento ng paaralan na hindi nakapagbukas ay dahil nasalanta ang mga ito ng matinding pag-ulan at pagbaha na dala ng Bagyong Carina noong Hulyo 24. Kung hindi lubog sa tubig, marahil ay nasira ang mga apektadong paaralan o ginawa itong silungan ng mga binahang mamamayan kaya hindi magamit. 

Bagaman makatwiran ang dahilan, ang apektadong bilang ng mga estudyante, 803,824, ay halos isang milyon at hindi biro. At kung hindi sila makapasok, libu-libo ring mga guro at manggagawa sa mga nasabing saradong paaralan ang hindi makapagtrabaho. 

Kung tutuusin, lumang tugtugin na tuwing magpapasukan ang pagkakaroon ng mga paaralang hindi mapasukan at alam na ng mga kinauukulan ang dahilan kaya marapat na nakapaghanda na sila upang makapagbukas o hindi mapinsala ng kalamidad. Kapabayaan na ang kabiguan nilang makapagbukas ng paaralan at magklase. 

Sa panig naman ng kalihim, mali ang purihin ang 98 porsyento ng mga paaralang nakapagbukas habang may mahigit 800,000 namang estudyante ang hindi nakapasok. Hindi ito maituturing na tagumpay dahil hindi naging inklusibo ang edukasyon para sa mga kabataan. 

Dapat niyang punahin ang 2 porsyento at alamin ang solusyon para maging siyento por siyento ng bilang ng paaralan sa bansa ay makapagseserbisyo sa publiko. Kung mayroong nagpabaya, kailangan din niyang parusahan ang mga nagpabaya upang magsilbing aral sa iba na maging epektibo at may malasakit.

Hindi dapat nagdurusa ang mga estudyante sa kapabayaan o kahinaan ng mga serbisyo publiko sa pagsisiguro na sila’y nakapag-aaral imbes na matengga sa bahay.

Kaya ginawang libre ang pag-aaral sa pampublikong paaralan ay upang mas maraming Kabataan ang makapag-aral. Ngunit kung pananatilihing ang mga ganitong balakid sa edukasyon, mawawalan ng silbi ang libreng pag-aaral.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph