
Trending topic ang husay at galing ni Rhian Ramos sa X (ang dating Twitter) dahil nga marami ang humanga sa kanyang maikling pagbibigay buhay sa katauhan ni Filipina dela Cruz, o si Fina, sa pinag-uusapang GMA 7 historical drama na “Pulang Araw” na mas nauunang ipinapalabas sa international streaming platform na NETFLIX, bago pa ito mapanood sa free TV sa Kapuso network.
Sa totoo lang, inamin ni Ramos, sa pulong balitaan para sa kanyang pelikulang “When The World Met Miss Probinsiyana” na itatanghal sa mga sinehan ngayong 7 Agosto, lubos siyang galak na galak at tunay na sorpresa sa tinatanggap niyang papuri bilang si Fina. Ang katunggali lang naman niya sa pagiging trending topic ay ang diva na si Celine Dion na umawit ng isang French anthem sa Paris Olympics.
“Dalawang oras ang preparasyon ko physically para maging si Fina,” kwento ni Rhian. “Totoong buhok ko yun na meticulously ang pag-aayos para of the said period. Tapos medyo pina-brown nila ako. I am happy that people appreciate me being Fina. Pati nga yung pagsasalita ko in Filipino, pinansin na nawala na yung parang conyo sounding. Salamat. Salamat talaga. Kahit maikli lang ang panahon ko sa serye, nakakataba ng puso na marami ang naka-appreciate.”
Ang sa kanyang bagong pelikula siya ang lead actress, ang “When The World Met Miss Probisiyana”, ang kwento ni Ramos na binibigyang buhay si Marjorie Aviso, ang tunay na binibining probinsiyana: “Exciting to give life to her on screen dahil napaka-inspiring ng kwento niya. Marj wants to give opportunities to women and men as well sa probinsiyana. Na mabigyang katotohanan ang mga pangarap. Her success story did not happen overnight. Ang daming trials by fire. May point pa na na she needed professional guidance to assist her as she navigates sa mental health issues niya, sa relasyon niya sa pamilya at sa kompanyana. Laging sinasabi ni Marj na napaka-ordinary ng life story niya but honestly its inspiring, motivating, uplifting. Isa siyang dreams do come true story.”
Kasama ni Ramos ang kanyang kasintahan na si Sam Versoza sa nasabing premiere night para sa movie at sinabi nitong may block screenings siyang itinakda para sa pelikula ng kanyang minamahal.
***
Palong-palo ang alindog at kagandahan ni transwoman at news anchor Jervi Li, na mas tanyag bilang si KaladKaren Davila nga kasi love, love, love ang tunay na kaganapan sa kanya.
Bakit kanyo? Kasi naman, sa pangalawang pagkakataon, inalok siyang muli ni Luke Wrightson, ang kanyang banyagang fiancé na sila ay maging husband and wife at itodo na ang pagiging mabuhay ang bagong kasal, huh.
Siksik, liglig at umaapaw ang kaligayahan ni Jervi na mababasa at matutunghayan sa kanyang IG post. Ang proposal ay naganap sa London.
Napatakip ng mukha si binibining Li sa sorpresa habang nakatingin sa nakaluhod nitong fiance hawak ang engagement ring.
Pahayag ni Jervi: “Proposal 2.0!!! Heart is full, hand is heavy! #TheWrightsons.
Luke and I got engaged in the middle of pandemic 4 years ago. It was just us two locked down in our apartment and we didn’t have the chance to have a proper photo shoot until now. I thought it was just an ordinary prenup shoot! Sobrang gulat ko nang muli syang mag propose here in our favorite city at may ring upgrade!!!!! Huhuhu Worth the wait! You make me the happiest, my love! “
Super sharing rin ang magiging Mrs. Luke Wrightson sa emerald cut diamond ring nasabing IG post.
Ang saya-saya at tunay na tunay na love, love, love wins! Ano pa nga ba ang dapat nating sabihin kundi mabuhay ang malapit na ikasal, Jervi Li at Luke Wrightson!