SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Yukii Takahashi may rebelasyon

Yukii Takahashi may rebelasyon
Published on

Inamin ng aktres na Yukii Takahashi na marami siyang pinagdaanan sa kanyang buhay kaya naman may lalim siyang umarte sa “FPJ’s Batang Quiapo”.

Sa isang panayam, sinabi ng dalaga na dapat ay saglit lang ang guesting niya sa Batang Quiapo, pero na-extend ng na-extend at regular na nga sa tingin namin dahil parte na siya ng pamilya na aalagaan ni Tanggol o Coco Martin kahit mawala na ang karakter ni McCoy as David.

Aminado rin ang dalaga na noong bata siya ay naabuso siya na lagi siyang nagsasabi sa nanay niya pero hindi siya pinaniniwalaan at ang kanyang amang Japanese ay ilang beses lang niya nakita noong bata pa siya dahil umuuwi ng Pilipinas pero hindi na niya muling nakita nang magka-isip na siya.

“Wala nang memories kasi bata pa ako,” sabi ni Yukii.

Sa tanong kung nag-reach out siya sa ama, “of course Mama Ogs, I’m the oldest one sa aming dalawang magkapatid, I’m the one whose the one to try to find answers like bakit niya kami iniwan, bakit bigla na lang siyang naglaho, ano bang ginawa kong mali, pinabigat ko ba ang buhay niya? There’s a lot of questions in my head but till now hindi pa rin nasasagot. I just learned to use that pain to be like stronger for my sister.”

Nagtanong din si Yukii sa ina tungkol sa ama, “multiple times. Si mama kasi hindi siya marunong sumagot ng direkta, so what she does was pinapaikot-ikot lang niya ‘yung kuwento pero it doesn’t make sense, pero nu’ng bata ako tatanggapin ko na lang kasi ayaw niya talagang i-explain kung ano ba talaga ‘yung totoong nangyari (bakit sila iniwan).”

Maging sa mga okasyon sa buhay nilang magkapatid na hiniling niya sa in ana tawagan ang ama ay hindi nito ginawa at laging sinasabi ay, ‘busy ang daddy mo.’ Aminado rin si Yukii na lagi silang hindi nagkakasundong mag-ina dahil dito kaya minsanan lang daw silang magkita.

At dito na inamin ni Yukii na marami siyang trauma noong bata pa siya.

“I feel like 2023 was me trying to release everything,” emosyonal na sabi ng dalaga. “Ang dami kasi mama Ogs, eh..sana may naniwala sa akin. Sana may nakakarinig sa akin when I was young feeling ko po dahil sa mga trauma na ‘yun ngayon ako sinisingil, lahat ng pinagdadaanan ko ngayon for myself.”

At saka inaming sinubukan niyang wakasan ang buhay niya.

“Kasi there was one time, I think I was just 15 (years old) nobody even know that I was trying to commit suicide like that extent. Naghalo-halo po kasi (isyu) mama Ogs eh. There’s family issue, personal issue in my head, and there’s spiritual attacks. ang dami po kasing sangay ng buhay ko when I was young. It’s making me question myself, making me question my integrity, my understanding about things and myself,” sabi ni dalaga.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph