SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Ligtas-bata

Ligtas-bata
Published on

Hindi lang magulang, pamilya at kaanak ang dapat sumiguro sa kaligtasan ng mga anak at bata. May tungkulin ang buong lipunan, pati kapitbahay at gobyerno, na pangalagaan ang mga musmos na walang kalaban-laban sa mga masasamang-loob at walang kamalay-malay sa kung anu-ano pang peligro.

Samu’t sari ang banta sa mga bata kasama ang mismong magulang. Naririyan ang sinasaktan sila, naaaksidente, pinapabayaang magutom, itinatapon at nabibiktima ng krimen. Araw-araw may balita na nasawing bata dahil na rin sa kapabayaan ng iba o naabuso. May mga bangkay na nang makita at may tanda ng panggagahasa.

Dahil sa patuloy na may nabibiktimang bata, tama lamang ang paglulunsad ng siyudad ng Pasay ng Makabata Helpline 1383. Ito’y isang emergency hotline para sa pag-uulat ng batang biktima ng karahasan o krimen nang sa gayon ay makaresponde sa kanila ang kapulisan at mailigtas sa kapahamakan.

Nitong linggo pinirmahan nina Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano at Council for the Welfare of Children (2009) Undersecretary Angelo Tapales ang memorandum of understanding para sa pagpapatupad ng Makabata Helpline 1383.

Sa nasabing telepono rin maaaring itawag ang kaukulang reklamo at iba pang impormasyon patungkol sa karapatan at kapakanan ng kabataan na taga-Pasay.

Bagaman may ibang emergency hotline na tulad ng 911 na tumutugon sa sakuna ng kahit sino, maganda pa rin ang eksklusibong emergency hotline para lamang sa pagliligtas ng bata. Bakit hindi na lamang magkaroon ng pambansang helpline para sa mga bata imbes na para lamang sa siyudad ng Pasay. Dahil maganda naman ang ideya ng pamahalaang Pasay, makabubuting palawakin ang sakop nito.

Dapat ring maituro ang numero sa lahat ng antas ng paaralan upang mas marami ang nakaaalam nito at mas madaling makahingi ng tulong ang maraming kabataan.

Sa mga malalayong lugar na hindi maaabot ng signal ng telepono, dapat gumawa ng paraan ang gobyerno na maaabot ang mga bata sa lugar na iyon.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph