SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Papel de Hapon

Papel de Hapon
Published on

Pinaigting ng Hapon at Pilipinas ang ugnayang pangmilitar. Sa ilalim ng kapipirmang kasunduan ng dalawang bansa o Reciprocal Access Agreement (RAA), makadadayo ang mga sundalong Hapones sa Pilipinas upang tumulong sa pagliligtas ng mga nasalanta ng kalamidad. Ganun din ang mga sundalong Pinoy, makadadayo sila sa Hapon para sa pagsasanay kasama ang mga tropang Hapon.

Layon ng RAA na pataasin ang antas ng kooperasyong pandepensa ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pagiging pamilyar ng kani-kanilang hukbong sandatahan sa kani-kanilang operasyong militar. Sa gayon, madali ang pagtutulungan ng Hapon at Pilipinas sakaling magkaroon ng krisis o banta sa seguridad.

Ang RAA ay katulad ng Visiting Forces Agreement ng Pilipinas sa Estados Unidos na nagpapahintulot sa pagpunta at pamimirmi ng mga sundalong Amerikano sa bansa. Kasama rin sa VFA ang pagsasanay ng dalawang puwersa sa mga operasyong military upang maayos ang kanilang koordinasyon sa oras na kailangang magtulungan upang komprontahin ang anumang banta sa seguridad ng bansa.

May mas matinding kasunduang militar ang Estados Unidos at Pilipinas, ang Mutual Defense Treaty, kung saan matutulungan ang dalawang bansa sa pagtatanggol ng isa’t isa laban sa agresyon ng ibang bansa. Marahil ay hindi na magkakaroon ng katulad na kasunduan ang Hapon at Pilipinas dahil alanganing makidigma ang mga pwersang Hapon.

Bagaman may mga alyansang pangmilitar ang Hapon sa ibang bansa tulad ng Estados Unidos, ipinagbabawal ng saligang-batas ng Hapon na sila’y makidigma. Kaya hindi maaasahan ang mga Hapones pagdating sa depensa.

Sakali mang amyendahan ng Hapon ang kanilang Konstitusyon upang pahintulutan ang hukbong sandatahan nito na makidigma, hindi rin praktikal dahil kaunti lamang ang kanilang pwersa at hindi dapat sila maubos sa digmaan dahil ang maliit na populasyon ng mga kabataang Hapones ang tanging inaasahan na magpaparami ng kanilang paubos nang lahi.

Halos 30 porsyento na ng populasyon ng Hapon ay matatanda at ito’y krisis dahil hindi naman marami ang isinisilang roon na sana’y pamalit sa mga lolo’t lola.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph