SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

‘Nanggahasa’ bigo sa tangkang pagtakas

‘Nanggahasa’ bigo sa tangkang pagtakas
Published on

Nahuli ng mga miyembro ng Philippine National Police Aviation Security Group sa pakikipagtulungan sa Criminal Investigation and Detection Group-Anti-Transnational Crime Unit ang isang akusado sa panggagahasa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bago siya makalipad patungo sa ibang bansa noong ika-1 ng Hulyo 2024.

Lilipad ang lalaki patungong Osaka, Japan nang siya ay dakipin ng mga pulis.

Kinumpirma ng Bureau of Immigration na may outstanding warrant of arrest laban sa 32-amyos na taga-Pasay City na inisyu noong Enero 23, 2024 ni Judge Vernard V. Quijano ng Regional Trial Court, Branch 123 sa Biñan City, Laguna.

Ang warrant, sa ilalim ng Republic Act No. 8353 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) na may Criminal Case No. 5891-B-2024, ay walang piyansa.

Sinabi ng mga awtoridad na ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan sa Konstitusyon at ang mga kaso laban sa kanya sa panahon ng pag-aresto at isang alternatibong recording device ay ginamit din, ayon sa ipinag-uutos ng batas.

Kasalukuyang nakakulong ang lalaki sa Camp Crame habang isinasagawa ang pormal na pagsasampa ng kaso sa kanya.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph