Yen Durano mas pinili ang maging aktres kaysa maging beauty queen
May katangkaran at may seksing pangangatawan, puwedeng-puwede ang baguhang Vivamax star na si Yen Durano na maging beauty queen.
Kaya lang, mas pinili ni Yen ang maging artista kaysa maging beauty queen.
“Actually, ang daming nagsasabi (na puwede akong sumali sa beauty pageants). I don’t know why. Feeling ko dito talaga ako. I am for the arts,” say ng dalaga sa launching movie niyang Litsoneras.
Very articulate si Yen, matatas magsalita kaya naman natanong ang kanyang educational background.
“I went to Miriam College in high school and took took up Communication Arts at University of Santo Tomas.I consume a lot of western media kaya ganito ako magsalita.I did basketball in high school. I have an active lifestyle,” say niya.
When asked kung ano ang reaction ng parents niya sa pagpapaseksi niya as Vivamax star, itsinika ni Yen na kasama niya ang mother niya sa presscon
“First time ko siyang maimbitahan. ‘Panoorin mo ito. Siyempre, launching movie ko ito. The other night we had dinner.We talked about this. ‘”Wag kang magulat, ha.” Pero sinabi niya sa akin na pinanood na niya yung mga past (movies) ko. Iyong totoo? Naiyak daw siya,” say niya.
Then naging emotional ang dalaga.
“I know it’s not easy Ma, but we’re gonna think long term na lang kasi alam kong may maidudulot naman itong mabuti sa atin. Trust me. I enjoy na sinusuportahan mo pa rin ako kahit labag sa loob mo,” dagdag pa niya.