SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

PILIPINAS HINDI GAGAMIT NG DAHAS – NAVY

Roy Vincent Trinidad
Commodore Roy Vincent TrinidadPhoto from PNA
Published on

Inihayag ng Phililippine Navy nitong nakaraan na hindi nito inootorisa ang kanilang mga tauhan na gumamit ng puwersa o dahas para sa tagumpay ng kanilang misyon maliban na lamang kung para sa pagdepensa sa kanilang sarili.

Ayon kay Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, ang naturang pahayag ay kasunod ng barbaric o marahas na mga aksiyon ng pwersa ng China Coast Guard laban sa mga tauhan ng Pilipinas habang nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin shoal na nagresulta ng pinsala sa mga inflatable boat, kagamitan at mga tauhan ng Philippine Navy at ninawak pa ang mga abril ng tropa ng Pilipinas.

Dagdag pa niya, sa kabila ng inasal ng mga tinawag nitong barbarian na CCG personnel ay hindi umano unang magpapaputok ng bala ang hukbong pandagat ng ating bansa laban sa CCG.

Ipinaliwanag pa nito na matinding pagsisikap ang kanilang ginagawa para hindi humantong sa puntong ang panig ng PH ang siyang unang magpaputok ng baril laban sa CCG.

Bagamat ayaw mag-speculate ng opisyal kaugnay sa naturang usapin, kanila aniyang sinasabihan ang tropa ng bansa na huwag hayaang humantong ito sa ganoong sitwasyon.

Sinabi din ni Trinidad na tinawag nitong band of barbarians ang CCG personnel dahil una sa lahat walang karapatan ang mga ito na magsuot ng uniporme dahil nalagay sa peligro ang buhay ng Philippine Navy gayong responsibilidad ng mga ito na siguruhin ang kaligtasan sa karagatan.

Kung matatandaan, nagkaroon umano ng gitgitan at sampahan ng mga personnel ng CCG na armado ng bolo ang Philippine boats na kanilang pinagsisira, ninakawan pa ng baril at nagdulot ng pinsala sa walong tauhan ng Philippine Navy kabilang na ang isang naputulan ng daliri.

Sinabi naman ng China parikular na ni spokesperson Gan Yu na ang kanilang naging hakbang ay bilang control measures umano, bagay na matindi namang kinondena ng mga opisyal ng PH at mga kaalyadong bansa ng Pilipinas.

Samantala, tinalakay ng Armed Forces of the Philippines kasama ang Japan Self-Defense Forces ang mga hakbang na gagawin sa hinaharap at mga oportunidad sa partnership ng dalawang puwersa kasunod ng pag-hijack ng China Coast Guard personnel sa rotation at resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin shoal noong Hunyo 17.

Ito ay pinag-usapan sa pagitan nina AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. at General Yoshihide Yoshida, Chief of Joint Staff ng Japan Self-Defense Forces.

Kapwa din nagpahayag ng pagkabahala ang dalawang military officers sa kamakailang insidente sa West Philippine Sea.

Kaugnay nito, inihayag ni Yoshida na patuloy na naninindigan ang JSDF sa panig ng AFP kayat papalalimin pa aniya ang kooperasyon ng kanilang bansa sa Pilipinas at like-minded countries.

Sa parte naman ni Brawner, pinasalamatan niya ang JSDF sa patuloy na suporta sa AFP at sa Pilipinas.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph