SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Charlie Dizon nanalong URIAN ‘best actress’

Charlie Dizon nanalong URIAN 
‘best actress’
Published on

Ang fearful forecast namin ni Kaibigang Bonggang-Bongga Glen Sibonga sa DTT Show Tarayan at Talakayan Showbiz Edition, (mapapanood tuwing Sabado at Linggo, 4 ng hapon sa Dyaryo Tirada YouTube Channel at Facebook pahina) para sa mga mananalo sa Gawad URIAN, nagdilang anghel, huh! Ang no acting acting panlaban ni Charlie Dizon na ibinigay niya sa kanyang katuahang si Britney sa “Third World Romance” ang dahilan para siya tanghaling pinakamahusay na pangumahing aktres na nagmula sa mga Manunuri ng Peikulang Pilipino.

Alam naman nating lahat ang GAWAD URIAN ang pinaka-prestihiyoso at respetadong award-giving body para sa pelikulang Pilipino kung saan mga dalubguro at kritiko ang bumubuo.

Pahayag nga ni Dizon, na hindi maitatanggi ang kaligayahan na tanggapin ang kanyang kauna-unahang tropeo sa GAWAD URIAN: “Kung ‘di niyo lang alam sobrang gandang regalo ito sa akin ngayon. Forever grateful… Before gusto ko lang, I just wanted to be part of the industry. Hindi ko din inakala mamahalin ko pag-arte ng sobra sobra. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta.”

“My family in the US is also here now, so this is also a present for them,” patuloy ng kasintahan ni Carlo Aquino na katambal niya sa pelikula at binigyag buhay ang katauhan ni Arvin.

Swerte ang turing niya sa kanyang kabiyak ng puso: “Mas madali ang naging trabaho sa pelikula kasi nga I was starring alongside him. As in. He would choose that I would be more comfortable over him. I’m so grateful it was with him.”

Ngayong may basbas na at stamp of approval ang husay niya bilang aktres na galing pa sa mga Manunuri ng Pelikuang Pilipino, ang pangako ni Charlie: “Ipinagdarasal ko na I will be able to do projects that have a good message. I want to go back to them when I am older and be reminded that the story had messages that could influence other people.”

Naiuwi rin ni director Dwein Ruedas Baltazar ang gawad para sa pinakamahusay na direktor para sa “Third World Romance.” Sa pelikula rin iginawad ang pinakamahusay na musika at disenyong pamproduksyon.

Ang isa pang fearful forecast namin ni Kaibigang Glen, si Romnick Sarmenta ang niluklok bilang pinakamahusay na panganuhing aktor para sa Jun Robles Lana’s “About Us, But Not About Us,” pelikulang mula sa The Idea First Company.

Ang best supporting actress ay si Dolly de Leon para sa “Ang Duyan ng Magiting” at best supporting actor si Ronnie Lazaro para sa “The Gospel of the Beast.”

Ang natatanging GAWAD URIAN para sa pinakamahusay na pelikula ng taon ay ibinigay sa “Iti Mapupukaw” sa direksyon ni Carl Joseph Papa.

Kung ikinasal nga ang URIAN Best Actress Charlie Dizon kay Carlo Aquino nitong Linggo, ano pa nga ba ang dapat nating sabihihin sa dalawa kundi “Mabuhay ang bagong kasal!” at siempre pa, “Humayo kayo at magpakarami!”

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph