
Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na dapat umanong ipagmalaki ng mga Pinoy si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa paninindigan nito at sa matibay na mensaheng ipinarating niya sa ika-21 International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue sa Singapore.
Nitong Linggo, inihayag ng Pangulo ang kanyang pangako na depensahan ang bawat pulagada ng teritoryo ng Pilipinas mula sa pananakop kasabay ng pagsulong sa kahalagahan ng dayalogo at diplomasya sa pagresolba ng mga hindi pagkakasunduan.
Dagdag pa niya, ang pagtindig ng Pilipinas para sa kapayapaan at rule of law. Muli rin niyang iginiit ang pagtalima ng Pilipinas sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 Arbitral Award, na kumikilala sa maritime rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Pinuri naman ni Romualdez ang talumpati ng Presidente na mahalaga umano lalo at umiinit ang tensyon sa West Philippine Sea dulot ng mga agresibong aksyon ng China at pinalakpakan ang paninindigan ng Pangulo na depensahan ang bawat pulagada at milmoetro ng ating teritoryo.
Ilang ulit nang iginiit ni Romualdez ang buong suporta ng Kamara de Representantes sa istratehikong inisyatiba ni Marcos para palakasin ang kakayanang pang depensa ng bansa at tayuan ang soberanya ng Pilipinas upang madama ng bawat Pilipino ang biyaya ng patrimonya.
Kamakailan ay nagdaos ang dalawang komite ng Kamara ng pagdinig sa Masinloc, Zambalez upang pakinggan ang hinaing ng mga mangingisda na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa patuloy na agresibong aksyon ng Chinese Coast Guard at maritime militia sa WPS.
Kasabay nito ay tinuran din ni Romualdez na sa kabila ng matapang na posisyon ng Pangulo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng dayalogo at diplomasya sa pagresolba sa mga hindi pagkakaunawaan.
Kung matatandaan, nagbabala ang Ministro ng Depensa ng China hinggil sa umano’y “limitasyon” sa pagpigil ng Beijing sa West Philippine Sea, kasunod ng serye ng mga paghaharap sa pagitan ng mga sasakyang pandagat ng China at Pilipinas malapit sa pinag-aagawang bahura.
Ang mga sasakyang pandagat ng China Coast Guard ay gumamit ng water cannon laban sa mga bangka ng Pilipinas nang maraming beses sa pinagtatalunang karagatan, na halos lahat ay inaangkin ng Beijing.
May mga banggaan din na naitala na ikinasugat ng ilang tropang Pilipino.
Samantala, muling inihayag ni United States Defense Secretary Lloyd Austin III na ang pangako ng Amerika na mapanatili bukas at librea ang buong West Philippine Sea.
Hindi man binanggit ni Austin ang China, subalit kaniyang inihayag na ang patuloy na pangha harass sa Pilipinas isang napaka delikadong aksiyon.
Dagdad pa ni Austin na ang US sa kasalukuyan ay ”gumagamit ng bagong teknolohiya at pagsasanay upang itaguyod ang kalayaan sa paglalayag sa West Philippine Sea.