SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Jennylyn Mercado may inalmahan

Jennylyn Mercado may inalmahan
Published on

Nanawagan ang aktres na si Jennylyn Mercado sa isang netizen na umano’y gumagamit sa pangalan at photos ng daughter niyang si Dylan sa FB at ayon sa aktres ay wala umano itong pahintulot kung kaya't masasabi umanong identity theft ang ginawa nito.

Nitong nakaraan ay nag-repost ang aktres ng isang advisory card mula sa Aguila Entertainment FB page.

"We would like to inform the public that the Facebook page DYLAN JAYDE HO is not owned or manage by her parents Jennylyn Mercado or Dennis Trillo or their management team, Aguila Entertainment. As of this writing, the page has earned 64,000 followers, has an option to subscribe for exclusive content for P55.00 per month, and even has a blue check, which means its a verified page,” saad ng post.

"We strongly condem this clear case of identity theft. We urge the public to report this page, while our team look into our legal options. Thank you," dagdag nito.

Sa inilagay naman niyang caption, nanawagan si Jennylyn sa taong nasa likod ng FB page na gumagamit sa identity ng kanyang anak na makipag-ugnayan sa management team niya.

"Sa sinumang namamahala ng Dylan Jayde Ho account, please get in touch with my management team Aguila Entertainment para we can resolve this ng maayos po," panawagan ng aktres.

Kinundena rin niya panggagamit nito sa identity ng kanyang anak para pagkakitaan.

"Mali naman po ata na inassume nyo basta basta ang identity ng anak ko at nagawa nyo pang iverify yung page," sabi ni Jennylyn. “May subscription option pa, which suggests na posibleng pinagkakakitaan nyo pa ito.”

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph