
Sa tamang panahon at pagkakataon, pinagtagpo ang landas nina Bea Alonzo at Julia Barretto sa pagdiriwang para kay Mr. Johnny Manahan, ang dating star builder at maker ng Kapamilya nung ito ay may prangkisa pa.
Matapos sambitin dati ni Alonzo ang linyang: “Time is the ultimate truth teller” limang taon ang nakalipas na ang pinatutungkulan siempre pa ay ang nawasak nilang relasyon ni Gerald Anderson na diumano ay si pretty Miss Baretto ang dahilan, marami ang nalugod sa besohan at tila magiliw na pakikitungo nila Phylbert Angelli at Julia Francesca.
Ang kaganapan bang ito ay patotoo na panahon ang naghihilom ng lahat ng sugat? O ang pangyayaring ito ay patunay na ang pagkamalabiga ay likas talaga sa mga artista?
Ang inaabangan yata ng mga nagmamasid at netizen eh may pang-pelikulang isnaban, ismiran, parunggitan, tarayan na mauuwi sa sampalan sina Alonzo at Baretto sa napakadakilang okasyon para kay Ginoong Juan Manahan?
Siempre naman, walang ganun. Lalo na nga’t mas kailangan ni Julia ang good karma kasi nga siya ang kasalukuyang millennial flopsina princess, di ba naman?
Hindi rin kikilos si Alonzo na di ayon sa kanyang ganda kasi nga, kailangang mabura ang chikang diumano, may hindi ito kainamang pag-uugali na ang nakaranas ay kanyang mga kasambahay.
May katotohanan nga kaya ang chikang sinisante nga ba ni Miss Phylbert ang mga kasama niya sa bahay na nagsumbong sa tanging ina niya dahil ang kanyang muntik ng pakasalan na si Dominic Roque ay nag-sleep over sa kanyang tinitirhan?
Sa “pagbabati” nina Bea Alonzo at Julia Barretto, pwedeng-pwede nating ikawing ang kagananpan sa pinakawalang mga salita dati ni soon to be na nga ba magiging Mrs. Dominique Karl Roque na: “Time is the ultimate truth teller”, sa true, di mga Chika-Diva tagasubaybay at mambabasa? At iyan ang totoo!
***
Masigabong palakpakan at tunay na mainit ang pagtanggap sa mga natatanging pelikulang “Pushcart Tales” at “Under A Piaya Moon”mga pangmalakasang pelikulang may pinaka-maraming inuwing karangalan sa kauna-unahang Cinepanalo Film Festival Gabi ng Parangal na ginanap nitong Sabado, sa Gateway Cinema 5, sa Cubao, Quezon City, awards night.
Ang Cinepanalo Film Festival ay flagship project ng Puregold. Ang Festival Director nito ay si Ginoong Chris Cahilig.
Ang pelikulang “Push Cart Tales” ay tungkol sa anim na nilalang na hindi sinasadyang makulong sa loob ng isang grocery store habang nagmamalupit ang inang kalikasan.
Inuwi nito ang best director para kay Sigrid Bernardo. Ang karangalan bilang pinaka-mahusay na aktor at aktres, sina Shamaine Buencamino at Carlos Siguion-Reyna ang ginawaran ng karangalan para sa nasabing pelikula.
Ang ‘Under A Piaya Moon’, isang pelikulang Ilonggo ay tungkol sa isang binata na ang adhikain ay ipagpatuloy ang family legacy nila sa pamamagitan ng pagkapanalo sa isang inter-city pastry competition kung saan ang kanyang mga katuwang at gabay sa tagumpay ay ang kanyang magka-away na abuelo at abuela.
Ang mga napanalunan nitong karangalan ay Best Full Length Feature Film, Best Editing, Cinematography and Production Design, at ang pangalawang pinakamahusay na aktor para kay Joel Torre at pinakamahusay na aktor rin (katabla ni Siguion Reyna), ang ang Sparkle artist na si Jeff Moses. Anim na karangalan ang iginawad sa ‘Piaya’ at ‘Pushcart’.
Para sa short film category, ang ‘Last Shift’ ang tinanghal na Best Short Film at ang mga bida rito, sina Vince Macapobre at Jules Azuala ang hinirag bilang Best Actor at Best Supporting Actor.
Ang mga naging punong abala sa gabi ng parangal ay sina Sean Ramirez at Ara San Agustin.
Palabas pa rin ang lahat ng pelikulang kalahok sa CinePanalo Film Festival sa Gateway Mall Cinemas hanggag sa 19th March.