SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

PAGBABAWAL SA ‘NO PERMIT, NO EXAM’ BATAS NA

President Ferdinand Marcos Jr.
President Ferdinand Marcos Jr.Yummie Dingding | PPA POOL
Published on

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 11984 o ang “No Permit, No Exam Prohibition Act” sa lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa mula elementarya, hanggang technical-vocational institutions.

Minamandato ng batas ang lahat ng mga paaralan sa bansa na pahintulutanan ang mga estudyante na hirap na makabayad ng matrikula na makapag-take pa rin ng kanilang periodic at final examinations nang hindi na kinakailangan pa ng permit.

Kaugnay nito, inatasan naman ng pamahalaan ang Department of Social Welfare and Development na tukuyin ang mga mag-aaral na kabilang sa ikokonsiderang “disadvantage students”.

Layon nito na mabigyan ng ahensya ng certificate ang mga apektadong mag-aaral na biktina ng kalamidad, mayroong kinakaharap na emergencies, force majeure, at iba pang mga good and justifiable reasons sa pasok sa rules and regulations na itatakda ng DSWD.

Bukod sa pagpapahintulot sa naturang mga mag-aaral na makakuha ng pagsusulit, ay minamandato rin sa naturang batas na payagan ang mga ito na makuha ang kanilang relevant records at credentials.

Gayunpaman, ang mga paaralan ay otorisadong mag-atas ng pagsusumite ng isang promissory note, pag-hold ng mga rekord at kredensyal ng mga mag-aaral, at gumamit ng iba pang mga legal at administratibong remedyo para sa pangongolekta ng mga bayarin.

Samantala, magiging epektibo naman ang naturang batas 15 araw pagkatapos ng publication nito sa Official Gazette.

Kung matatandaan, may ilang mga grupo ang dumipensa sa “no permit, no exam” policy sa maraming pribadong paaralan sa bansa.

Ayon kay Kristine Carmina Manaog, legal counsel ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines, paraan ang naturang polisiya para hindi maipon ang utang na kanilang mga estudyante, at para magpatuloy ang operasyon ng mga paaralan.

Ang “no permit, no exam” policy ay “preventive measure na hindi tayo aabot sa punto na nag-a-accumulate ‘yung utang or bayarin ng ating students,” aniya.

Dagdag ni Manaog, ito ay para masigurado ang regular na cash flow sa mga eskuwelahan lalo’t hindi naman aniya pinopondohan ng gobyerno ang kanilang operasyon.

“Nakadepende lang po kami sa maagap na pagbayad ng tuition,” wika niya.

Ibinahagi niya ang isang pag-aaral nila na nagpapakitang kung hindi maipatutupad ang panukalang “no permit, no exam policy”, ang “current collectibles” ng ilang paaralan ay makasusustento sa kanilang operasyon ng hanggang pitong buwan lamang.

“Ayon sa pag-aaral namin, if napatupad itong “no permit, no exam” bill... ang aming collectibles ay kaya lang kaming matustusan o kaya lang naming mag-survive for the next two months,” saad ni Manaog.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph