SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Pagpanaw ni Jaclyn Jose ipinagluluksa

Pagpanaw ni Jaclyn Jose ipinagluluksa
Published on

Nagluluksa ang lahat halos ng artista sa biglaang pagpanaw ni Ms. Jaclyn Jose.

Sa social media, nag-post  ang ilang celebrities  na nakasama ni  Jaclyn.

Nagluluksa ngayon  si  Ara Mina  na nakasama ni Jaclyn  sa isang movie.

“Ate Jacklyn or Ate Jane, 2 weeks ago lang magkausap tayo then last week naman magkamessage pa tayo at meron pa tayo na movie na tatapusin dapat. Nakakalungkot at nakakabigla naman ang nangyari  dalawa na kayo ni Tito Ronaldo nawala kung saan kasama namin kayo sa movie,” caption niya  sa kanyang IG photo kasama  si  Jaclyn.

“I’ve worked with you since I was 15 mula sa The Flor Contempacion Story, Prinsesa ng Banyera at itong ginagawa natin na Poon movie. Nawalan na naman ang industriya ng isang magaling at beteranong actress. Maraming salamat sa iyong contribution sa industriya maraming salamat sa magandang alaala at pakikipagkaibigan mo samin na katrabaho mo. We love you! Rest In Peace, Ate Jane,” dagdag  pa  niya.

Si Gladys Reyes  na nakasama pa si  Jaclyn sa Apag  ay talagang nabigla sa pagkamatay ng aktres.

“Ate Jane @jaclynjose , nakakagulat naman, binigla mo kaming lahat, ang dami nating pinagsamahan, simula 9 years old ako sa Lovingly Yours Helen hanggang dito sa huling movie natin na Apag, di ka nagbago sakin,”  say niya.

“Isa itong vlog na to sa di ko makakalimutan na masayang bonding natin sa set.

Salamat sa mga tips, pag-alaga mo sakin na parang ate kita talaga. Nabawasan na naman ng isang magaling at de kalibreng aktor ang industriya. Mamimiss namin ang nag-iisang Jacklyn Jose,”  dagdag  pa niya.

Si Dimples Romana   naman  ay ganoon din  ang naramdaman.

“Lost another true icon @jaclynjose Tita Jane , I remember all the laughter, the lessons you generously taught me as a young actor back when we were shooting this movie in 2001 and for our May Minamahal remake mahal kita at laging yayakap ng mahigpit, you will never be forgotten,”  saad niya.

Si Liza Dino ang tila labis na naapektuhan  dahil super  close  pala   ito sa  premyadong  aktres.

“Dear Tita Jane,

“It took awhile for me to write this post because I still can't accept the fact that you are no longer with us, and putting it into words would make it all too real. But it is.... and it's heartbreaking.💔

“Not many people are aware of how close we have become over the past few years. You have become more than just a mentor to me; you are my constant source of support and encouragement. When everyone was turning against me, you reached out and said "Wag ka matinag. Tuloy mo yang ginagawa mo. Marami kaming naniniwala sayo."

“Your honesty---always frank, almost brutal---is what I love most about you. You never sugarcoat things – kung ayaw mo, ayaw mo, pag gusto mo, ganon din. "Liza, pakiexplain nga tong mga sinasabi mo, di ko maintindihan.." You will reach out and I will take the time to discuss things with you. I remember during the Eddie Garcia Bill discussions, ang dami mong tanong. So umupo tayo sa gilid and two hours tayong nag-usap. Pero nung nagets mo, ikaw ang number one champion. Basta naniniwala ka, wala kang pakialam kung ano ang sasabihin ng iba. Napakatotoo mong tao. Tita, Mamimiss ko ang mga random messages mo sakin...

“Philippine Cinema has lost an icon, and we are all mourning your passing as it feels like it happened all too soon. Sabi mo magtratrabaho pa tayo together. Pangarap ko yun,” mahabang aria ni  Liza.

“I love you tita Jane. Thank you sa lahat lahat. Iniintay kong bumangon ka at talakan kaming lahat dahil iniiyakan ka namin. I’ll really gonna miss you....ayoko magpaalam, alam ko nandyan ka lang,”  dagdag  pa niya.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph